Sen. Mar Roxas Tikom Ang Bibig sa Napipintong Pag-upo sa Malacanang
May 13, 2011 | Friday | 4:23 pm
DZRH NEWS
Umiwas muna si Dating Sen. Mar Roxas na sagutin ang napipintong pag-upo niya bilang Presidential Chief of Staff sa Malakanyang.
Sa panayam ng DZRH, tumanggi si Roxas na pag-usapan ang pagpasok niya sa Palasyo bilang unang kapartido ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na malalagay sa puwesto matapos ang one-year ban sa pagtatalaga ng mga natalong kandidato.
Samantala, pumila at personal na nag-’renew’ ng driver’s license si Roxas ngayong birthday niya sa Land Transportation Office kaninang umaga.



