Barangay polls sa N.Luzon posibleng ipagpaliban
October 22, 2010 | Friday | 7:10 am
![]() |
![]() |
DZRH NEWS
Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpaliban ang halalang pam-barangay sa iba pang lugar na matinding napinsala ng Bagyong Juan sa Hilagang Luzon.
Sinabi ni Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal na magiging mahirap ang pagdaraos ng eleksyon sa ilang bahagi ng Zambales, Abra, Ilocos at Cagayan dahil sa epekto ng katatapos na kalamidad.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos magpasya ang poll body na ipagpaliban ang SK at barangay elections sa Maconacan, Palanan at bayan ng Divilican sa lalawigan ng Isabela.
Ayon kay Larrazabal, inaantabayanan na lamang ng Comelec ang feedback mula sa kanilang mga field officials na nagsasagawa ng assesment sa mga komunidad na labis na napinsala ng super typhoon.





