Taiwan niyanig ng lindol; mga Pinoy ligtas
March 5, 2010 | Friday | 9:16 am
Isang Taiwanese ang nagpunta sa isang gumuhong bahay sa bayan ng Shanlin sa Taiwan. Niyanig kahapon ang Taiwan ng isang 6.4 magnitude na lindol. – AFP
DZRH NEWS (MARCH 5, 2010)
Tiniyak ng Manila Economic and Cultural Office na walang Pinoy na nasaktan sa malakas na lindol sa Taiwan.
Ipinahayag ni MECO Resident Representative Antonio Basilio na batay sa inisyal na impormasyon, ligtas lahat ang halos 75,000 Pinoy matapos ang 6.4 magnitude na pagyanig kahapon.
Sinabi ni Basilio na patuloy ang koordinasyon ng MECO sa kanilang mga opisina sa Taiwan, gayundin sa mga Pinoy communities upang alamin ang kanilang sitwasyon o kalagayan.
Natukoy ang episentro ng lindol sa bahagi ng Chia Hsien, Kaohsiung sa Taiwan.








