UK bukas pa rin sa mga OFWs
July 22, 2010 | Thursday | 8:13 am
DZRH NEWS
Tiniyak ng isang mataas na British diplomat ang kahandaan ng kanilang bansa na tanggapin ang serbisyo ng mga Pinoy workers.
Ginawa ni Jeremy Browne, minister ng State for Southeast Asia at miyembro ng parliament ang pahayag sa kabila ng mungkahi na limitahan ang pagtanggap ng mga dayuhang manggagawa sa U.K.
Ayon sa opisyal, patuloy na kinikilala ng British government ang malaking kontribusyon ng mga overseas Filipino workers, kung kaya’t nananatiling bukas ang kanilang labor market, lalo na sa mga Pinoy nurses.
Ipinaabot ng top british diplomat ang katiyakan sa kaniyang meeting kay Pangulong Noynoy Aquino sa MalacaƱang.



