Vice mayor sugatan sa ambush
June 30, 2010 | Wednesday | 6:51 am
DZRH NEWS (JUNE 30, 2010)
Sugatan ang bise-alkalde ng Talitay, Maguindanao matapos pagbabarilin sa Cotabato City.
Ayon sa report, sakay ng pick-up si Vice Mayor Kabili Sumagka, kasama ang kaniyang asawa nang pagbabarilin ng mga suspect na lulan ng motorsiklo sa Rosary Heights 3 sa naturang siyudad.
Nabatid na pauwi na ang mag-asawa mula sa bayan ng Talitay nang mangyari ang pag-atake, pasado 12:00 p.m. ng tanghali.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang bise -alkalde habang hindi naman nasugatan ang kaniyang asawa.







