Weather Bulletin
May 10, 2011 | Tuesday | 4:01 pm
DZRH NEWS
Patuloy na kumikilos palayo sa bansa ang bagyong ‘Bebeng’ patungo sa Japan.
Sa pinakahuling update ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyong ‘Bebeng’ sa layong 50 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
Taglay ni ‘Bebeng’ ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot naman sa 80 kilometro bawat oras.
Inaasahang kikilos si ‘Bebeng’ pa-hilaga sa bilis na 19 na kilometro bawat oras.
Sa ngayon, nakataas na lang ang babala ng bagyo bilang 1 sa lalawigan ng Batanes.
Bukas ng umaga, inaasahang nasa layong 400 kilometro hilaga-hilagang silangan ng Basco, Batanes ang bagyo.



