• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

Bianca Manalo more vocal than John Prats about status of their relationship

August 11, 2011 | Thursday | 9:05 am

Ilang buwan na din maugong ang mga balita tungkol sa beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo, at actor-host na si John Prats.

Noong June kasi, napabalita ang paghihiwalay ni John at singer na si Rachelle Ann Go.

Dito’y nadawit ang pangalan ni Bianca, na siyang tinuturong dahilan nang nasabing breakup.

Magkasama sina John at Bianca sa noontime variety show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey!.

Gayunpaman, ito’y mariing itinanggi ni Bianca, at sinabing labas siya sa problema ng dating magkasintahan.

“FRIENDSHIP” WITH JOHN. Sa kanyang panayam sa Showbiz News Ngayon kagabi, August 9, muling itinanggi ni Bianca na siya ang dahilan ng paghihiwalay nina John at Rachelle Ann.

Aniya, “Wala naman po kasi ako talagang ginawang masama,

“Alam ni Lord, alam ni John kung ano talaga ang totoo.

“Wala akong inapakang tao. Bilang babae nirerespeto ko ang lahat.”

Pero pag-amin niya, “Siguro ngayon ganito ako kasi masaya kami, magkaibigan kami.”

Matapos ang nasabing breakup, naging bukas si John sa kanyang paghangga sa beauty queen.

Pero kumpara kay John, mas bukas si Bianca na pag-usapan ang “friendship” nilang dalawa.

Napuna kasi ng ilan na madalas umiiwas si John sa tuwing pag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Bianca.

Pero hindi naman daw ito ikinatatampo ni Bianca.

Aniya, “Naniniwala ako na hindi naman kailangan magpa-interview ng isang tao kasi kung ano ang nakikita ko sa kanya live at nakikita sa buong mundo.

“Kung ano ang nararamdaman niya, kung ano ang sinasabi niya sa akin, dun ko mas naa-appreciate kasi hindi siya nagpapanggap.”

Matatandaang noong nakaraan buwan lamang, may lumabas na artikulo kung saan sinabi ni Bianca na bukas siya sa posibilidad na magkarelasyon sila ni John.

Kaya naman sa panayam niya sa SNN, sinabi nitong kahit papaano’y kinikilig siya sa pagpaparamdam ni John sa kanya.

“Oo, bilang babae oo,” pag-amin niya.

“Kasi iba on air.

“Ikaw ba sabihan ka na ‘Crush na crush kita. Gusto kita. I miss you…”

Gayunman, alam ni Bianca na hindi lahat ay tanggap kung ano ang meron sila ni John ngayon.

“Siyempre hindi ko naman mamamanduhan kung ano ang nasa isip nila.

“Nagbibigay lang po kami ng saya at aliw.

“Nasa kanila na po iyon kung paano nila tatanggapin,” saad niya.

You might like:

  • Bianca Manalo masaya sa bagong TV show
  • John Prats on Bianca Manalo: “Sana sagutin niya ako.”
  • Rivalry issue, itinanggi ni Bianca Manalo
  • Bianca Manalo itinangging walang karelasyong TV executive
  • Toni Gonzaga answers critics: “Yung opinion ko, napapanood sa telebisyon. Yun nga lang, yung sa inyo, sa computer lang.”
  • Bianca Manalo denies being third party to John Prats-Rachelle Ann Go breakup
  • Bianca Manalo on current relationship with John Prats: “Wala kaming natatapakan, walang nasasaktan, yun ang mahalaga.”

More Entertainment News

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

Top regional entries in 2013 Aliwan Fiesta Streetdance Competition

Voice training ng Yes FM at Love Radio DJs tinutukan nina Kitchie Molina at Dra. Maita Feliciano

101.1 Yes FM wagi bilang Best FM Radio Station sa Gawad Tanglaw 2013

Limang K-pop group may pasabog sa Seoul Invasion

YES! FM DJs hayahay ang pagsalubong sa taong 2013

Kapwa labing-apat na taon na ang 101.1 YES! FM sa radyo

Libreng concert para sa lahat ng kapwa maagang pamasko ng 101.1 Yes! FM

PHOTOS: 101.1 Yes FM and 90.7 Love Radio go to Beijing, China

Original The Hunks member Carlos Agassi nagbabalik bilang isang rapper

Undas 2012 ginunita sa Loyola Melodies & Memories concert

GALLERY: Relief Operation para sa mga sinalanta ng habagat

Kawang-gawa para sa mga nasalanta ng habagat

101.1 YES! FM nakiisa sa ika-47 anibersaryo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

[In Photos] Ang “Born This Way Ball” experience ni Maria Maldita

Pa-Kape at Pa-Chicolate ni Chico Loco at Papa Jack muling dinumog

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta