• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

Brillante Mendoza supports petition to show Director’s Cut of Tikoy Aguiluz’s Asiong Salonga

January 6, 2012 | Friday | 12:50 pm

Pabor si direktor Brillante “Dante” Mendoza na maisakatuparan ang hinihingi ng isang petisyon na ipalabas ang “uncut and unaltered” version ng pelikula ni Amable “Tikoy” Aguiluz VI, ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

“I’m really all for him,” lahad ni Direk Brillante tungkol sa kapwa direktor.

Sinabi ito ni Direk Brillante, na di lang minsan itinanghal na best director sa mga international film festivals, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang pelikula ni Direk Tikoy na tinutukoy ni Direk Brillante ay big winner sa ginanap na 37th Metro Manila Film Festival Awards Night.

Labing-isang tropeyo mula sa MMFF ang napanalunan ng Asiong Salonga, kabilang na ang Best Picture at Best Director.

Pinag-usapan din ang Asiong Salonga dahil sa mga kontrobersiyang pumalibot dito, kung saan sangkot ang producers nitong Scenema Concepts, Inc. at Viva Entertainment Productions, Inc., ang lead actor nitong si Governor ER Ejercito, at ang direktor nitong si Tikoy.

Sa ngayon ay public knowledge na ang mga naging kontrobersiya hinggil sa award-winning film.

Nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Direk Tikoy at ng kanyang producers, na “nakialam” sa pagtatapos ng pelikula, kasama na ang re-shooting, re-editing, scoring, at iba pa.

Kumampi naman si Governor ER sa kanyang producers.

Kinusulta pa raw nito ang ibang prodyuser, gaya nina Vic del Rosario ng Viva Films at Lily Monteverde ng Regal Entertainment, at sinabi raw ng mga ito na ang huling desisyon sa anumang pelikula ay nasa prodyuser.

Taliwas ang opinyon ni Direk Brillante tungkol dito: “Hindi tama yung ginawa ng producers.

“The ultimate insult to the filmmaker is yung pakialaman yung trabaho niya nang hindi sinasabi [sa direktor]; nang hindi kayo nagkakasundo, o hindi man lang nagpapaalam.

“So, sa akin, yun ang ultimate sin that any producer can do to a director.”

Para rin kay Direk Brillante, nararapat na sundin ang petisyon ng publiko bilang respeto sa may likha ng pelikula.

Hinihingi ng petisyon na mapanood ng publiko ang sinasabing Director’s Cut ng obra ni Direk Tikoy.

“By all means,” sabi ni Direk Brillante.

TALKING FROM “NON-EXPERIENCE.” Masasabing masuwerte si Direk Brillante dahil hindi pa niya nararanasan, sa alinman daw sa mga pelikula niya, ang naranasan ni Direk Tikoy sa pinakahuli nitong pelikula.

“Ay, wala… At sana huwag mangyari sa akin ang gano’n,” aniya.

Nanalong Best Director si Brillante sa Cannes International Film Festival noong 2009 para sa Kinatay, isang Filipino-French co-production.

Bago ito ay naging Cannes main competition entry rin ang kanyang Serbis (2008); Berlin Filmfest entry ang kanyang Tirador (2007); at Venice Filmfest entry ang kanyang Lola (2009)—na pawang foreign co-productions.

Ayon kay Direk Brillante, “Kasi ako, it’s the reason why I did four or five films ng [international] co-producer ko.

“Kasi we respect each other.

“Alam niya yung limitations niya, alam ko yung limitations ko.

“Sa kanya, ultimo isang word, ipinagpapaalam niya sa akin.

“I think that’s how you should work.”

BERLIN FILMFEST-BOUND. Sa February 9 to 19, 2012, nakatakdang mag-compete sa Berlin International Film Festival sa Germany ang bagong pelikula ni Direk Brillante.

Ito ay ang ang Captive. Ang dating titulo nito ay Prey.

Ang kuwento ay may kinalaman sa mga kidnapping sa south ng Pilipinas, involving the Abu Sayyaf.

Bida sa Captive ang acclaimed French actress na si Isabelle Huppert.

Kasama rin ang maraming premyadong Filipino actors: Ronnie Lazaro, Raymond Bagatsing, Sid Lucero, Mon Confiado, Angel Aquino, Rustica Carpio; at mga theater actors tulad nina Bea Garcia at Che Ramos.

Hindi ba nagkaroon ng issue sina Direk Brillante at ang kanyang foreign producers, na katulad ng nangyari kay Direk Tikoy at sa Asiong Salonga biopic?

“Walang mga ganung issue,” sagot ng direktor.

“Kaya lang tumagal ang pelikula nang ganito, kasi they have to wait for me.

“Sa mga commercial producers, parang [ang sitwasyon], ‘I-edit mo na ‘yan kasi lugi na ako, natutulog ang pera ko…’

“With my producers, kahit papa’no, naghihintay sila sa akin: ‘When are you ready to edit [your film]?’

“When I say, parang, ‘I’m not yet ready to edit because I have to study the shots,’ maghihintay sila.

“Maaaring case-to-case basis din, pero I’m glad hindi nila ako hina-harass.”

One year in the making ang Captive, kabilang na ang post-production nito simula noong January 2011.

Hindi ba nagkaroon ng problema si Direk Brillante with his editors and other post-production staff dahil sa tagal ng proseso?

Aniya, “In Captive, I have a Filipino editor and I have a foreign editor.

“Nag-edit kami ng iba, pero sinabi ko pa sa editor ko.

“In fact, puwede ko nang gawin ‘yon being the director.

“Dapat nirerespeto mo ang bawat staff, ang bawat isa.

“Kasi artists ‘yan, e. Hindi mo puwedeng bastusin ang mga ‘yan.”

You might like:

  • PEP EXCLUSIVE: Governor ER Ejercito’s camp mulling return of Direk Tikoy Aguiluz in movie billing
  • Darryl dela Cruz, who was announced director of Asiong Salonga at MMFF awards night, hurt and offended by comments made by Direk Tikoy Aguiluz
  • Gov. ER Ejercito and Direk Tikoy Aguiluz disappointed that remake of Asiong Salonga did not make it to this year’s MMFF
  • Governor ER Ejercito rejects Tikoy Aguiluz’s demand to remove his name as director of Manila Kingpin
  • Direk Tikoy Aguiluz says directing Nora Aunor is a dream
  • Brillante Mendoza says his new project, Prey, is not an entry in the Venice Film Fest: “There’s no truth to that. There’s no formal announcement yet.”
  • Mahigit 300 unibersidad may tuition fee hike

More Entertainment News

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

Top regional entries in 2013 Aliwan Fiesta Streetdance Competition

Voice training ng Yes FM at Love Radio DJs tinutukan nina Kitchie Molina at Dra. Maita Feliciano

101.1 Yes FM wagi bilang Best FM Radio Station sa Gawad Tanglaw 2013

Limang K-pop group may pasabog sa Seoul Invasion

YES! FM DJs hayahay ang pagsalubong sa taong 2013

Kapwa labing-apat na taon na ang 101.1 YES! FM sa radyo

Libreng concert para sa lahat ng kapwa maagang pamasko ng 101.1 Yes! FM

PHOTOS: 101.1 Yes FM and 90.7 Love Radio go to Beijing, China

Original The Hunks member Carlos Agassi nagbabalik bilang isang rapper

Undas 2012 ginunita sa Loyola Melodies & Memories concert

GALLERY: Relief Operation para sa mga sinalanta ng habagat

Kawang-gawa para sa mga nasalanta ng habagat

101.1 YES! FM nakiisa sa ika-47 anibersaryo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

[In Photos] Ang “Born This Way Ball” experience ni Maria Maldita

Pa-Kape at Pa-Chicolate ni Chico Loco at Papa Jack muling dinumog

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta