• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

Christian Bautista is “very happy” with his international career

June 3, 2011 | Friday | 1:23 pm

Sa Lunes, June 6, ay lilipad ang singer-actor na si Christian Bautista papuntang Singapore para sa shooting ng first Pan-Asian musical series na Kitchen Musical.

Marami ang nagsasabi na ang musical series na ito ay may pagkakahawig sa hit U.S. musical-comedy series na Glee, kung saan naging guest star ang Pinay international singing sensation na si Charice.

“Yes, parang,” pagsang-ayon naman ni Christian.

Pero aniya, “Kakaiba dito sa Kitchen Musical, halimbawa ikaw yung chef, master chef ka, ako under mo lang.

“Sasabihin ko, ‘Chef, ito recipe natin ngayon.’

“Pag sinasabi ko yung recipe, biglang magpo-focus yung TV dun sa recipe, na magandang pag-shoot.

“So, parang cooking show din na by the end of the show, yung recipe ay magiging available sa Internet.

“So, meron siyang ganung factor, yun ang main difference.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa contract signing niya bilang endorser ng Ink All You Can kahapon, June 1.

Makakasama ni Christian sa cast ng Kitchen Musical sina Karylle, Thou Reyes, at Ikey Canoy.

Sina Karylle at Thou ay kasama ni Christian sa ABS-CBN, samantalang si Ikey naman ay kasamahan ng singer-actor sa Stages.

Apat na buwan mananatili sa Singapore ang grupo nina Christian para sa mga training at actual shooting ng kanilang palabas.

“Wala po masyadong halos uwi yun,” banggit niya.

“So, ang uwi ko lang is June 30. Wala akong ASAP, wala akong show.”

Ang Kitchen Musical ay nakatakdang ipalabas sa Studio 23 sa October.

A SPECIAL SYMPHONY. Nabanggit ni Christian na sa June 30 ay babalik siya sa Pilipinas para sa premiere ng Indonesian movie niya na A Special Symphony (Simfoni Luar Biasa), na may international title na Jayden’s Choir.

Ito ang kauna-unahang full-length international film ni Christian.

Ano nga ba ang kuwento nito?

“Ang story nito, na parang I’m a Filipino musician na out of work. Pumunta ako sa Indonesia kasi nandun na lang yung natitirang pamilya ko.

“Yung mother ko dun, married na with an Indonesian. So, parang may tension kami, pero kailangan ko ng trabaho.

“Yung school na mina-manage niya, kailangan ng substitute teacher for music. Since musician ako, ginawa muna akong substitute teacher.

“Pero nalaman ko yung mga estudyante pala, e, special children, with special needs.

“So, dun umiikot yung story.”

Ang A Special Symphony ay hindi raw purely musical tulad ng inaakala ng iba.

“Meron siyang kantahan, pero like yung choir kakanta, pero hindi yung nag-uusap tayo biglang [kakanta], hindi siya ganun,” paliwanag ni Christian.

Bagamat umiikot ang istorya sa special children, hindi naman daw lahat ng nasa cast ay may ganung kaso.

“Meron isang special child talaga. Tapos yung ibang mga bata, bagong aktor, talagang magagaling.

“At talagang nakipag-aral with the special children para makuha nila.”

Bukod daw sa musical numbers, dapat din daw abangan ng mga tao ang iba pang mga eksena na may comedy, drama, at action.

At dahil pang-international release ang pelikula, tatlong salita ang gagamitin ni Christian dito—Tagalog, English, at Bahasa.

Ang A Special Symphony ay ipalalabas sa August 3.

MUSIC VIDEO. Bukod sa musical series at pelikula, may ginawa ring music video si Christian kasama si Kris Aquino. Ito ay para sa compilation album ni Kris na My Heart’s Journey.

Kuwento ni Christian, “Kasi sa album niya ‘to, e, album ni Kris Aquino ‘to.

“I’m very happy na nag-tweet nga siya before na gustung-gusto niya nga yung ["Love Moves in Mysterious Ways"].

“Tapos nalaman ko na lang na ito yung gusto niyang maging premier, and magkaroon kami ng music video.

“So, very happy.”

Naging usap-usapan na gusto raw ni Kris na sa nasabing music video na kinunan sa Shangri La Hotel ay mag-topless si Christian. Pero hindi naman ito nangyari.

“Kasi maraming options sana, e,” sabi ng Kapamilya actor-singer.

“Una sa mga beach, yung sexy. Next option, naging bodyguard na ano…

“Next option, medyo kinonek namin sa Kitchen Musical. Chef ako dun, so sine-servan ko siya.

“Medyo may love story kami.”

Ito ang unang beses na nagkatrabaho sina Christian at Kris.

Bagamat naiilang nung una, nag-enjoy naman daw ang romantic balladeer na makatrabaho ang Queen of All Media.

“Pero actually, ang sarap niya katrabaho, kuwentuhan lang.

“Una nga, medyo na-intimidate ako, e. Kasi hindi ko pa siya nakakasama ng talagang matagal,” sabi ni Christian.

PULLING AWAY FROM THE COMPETITION. Hindi man ganun ka-visible ngayon si Christian, marami pa rin siyang proyekto hindi lamang locally, kundi sa international din.

Kaya obserbasyon ng iba, tila napag-iwanan na niya ang mga kasabayan niya, partikular na si Erik Santos.

Ano ang reaksiyon dito ni Christian?

“Pinag-uusapan namin ‘yan,” banggit niya.

Pero aniya, “Lahat kami may strength, may sariling direksyon.

“Si Erik Santos, lahat ng kanta niyan nasa teleserye, nasa sine, nasa ano…

“So, kilalang-kilala yung mga kanta niyan.

“Yung mga kanta ko, mas radio, mas ibang bansa.

“Iba-iba lang ng direksiyon.

“So, I’m very happy with the things are going now…

“Going international, wow, konti lang makakagawa niyan,” saad niya.

You might like:

  • Christian Bautista, kakanta sa Pattaya Festival
  • YES! Pic of the Day (April 20, 2012)
  • FIRST READ ON PEP: Burglars enter San Juan home of Christian Bautista
  • 2 QC private schools ipinasara
  • Christian Bautista wants to act in a TV soap
  • Karylle on working with Christian Bautista: “We’ve been through a lot together. He’s seen me at my worst and he’s been there for me.”
  • Rape victim bumuwelta sa asawa ng pulis na rapist

More Entertainment News

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

Top regional entries in 2013 Aliwan Fiesta Streetdance Competition

Voice training ng Yes FM at Love Radio DJs tinutukan nina Kitchie Molina at Dra. Maita Feliciano

101.1 Yes FM wagi bilang Best FM Radio Station sa Gawad Tanglaw 2013

Limang K-pop group may pasabog sa Seoul Invasion

YES! FM DJs hayahay ang pagsalubong sa taong 2013

Kapwa labing-apat na taon na ang 101.1 YES! FM sa radyo

Libreng concert para sa lahat ng kapwa maagang pamasko ng 101.1 Yes! FM

PHOTOS: 101.1 Yes FM and 90.7 Love Radio go to Beijing, China

Original The Hunks member Carlos Agassi nagbabalik bilang isang rapper

Undas 2012 ginunita sa Loyola Melodies & Memories concert

GALLERY: Relief Operation para sa mga sinalanta ng habagat

Kawang-gawa para sa mga nasalanta ng habagat

101.1 YES! FM nakiisa sa ika-47 anibersaryo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

[In Photos] Ang “Born This Way Ball” experience ni Maria Maldita

Pa-Kape at Pa-Chicolate ni Chico Loco at Papa Jack muling dinumog

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta