• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

John Prats on Bianca Manalo: “Sana sagutin niya ako.”

September 7, 2011 | Wednesday | 9:49 am

Sa presscon ng MSE (Marikina Shoe Exchange) para ipakilala ang ambassadors ng naturang direct-selling brand kagabi, September 5, sa Richmonde Hotel sa Eastwood, Quezon City, hindi nakaligtas si John Prats sa pang-uusisa ng press tungkol sa status ng samahan nila ng sinasabing pinakamalapit na babae sa buhay niya ngayon—si Bianca Manalo.

Una, sinabi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John na nakita namin siya isang madaling-araw sa Republiq Bar, Resorts World kasama niya si Bianca at si Sam Milby.

Hindi naman ito itinanggi ng young actor.

“Oo. E, kasi, kami naman talaga ang nagsimula ni Sam. Siya ang nag-pilot ng Happy Yippe, Yehey! for a month.

“Lumalabas naman kami as a group.

“Masaya lang talaga kami ngayon. Nakakatuwa lang yung mga tuksuhan.

“Saka, nakakagulat lang na sa edad kong ito, akala ko lagpas na ako sa mga loveteam stage.

“E, may nabuong JohnCa loveteam sa Happy Yipee, Yehey! at marami kaming napapakilig at napapasaya na mga tao,” nakangiti niyang sabi.

Sumasang-ayon si John sa mga naunang pahayag ni Bianca na masaya ito sa samahan nila ng nasabing co-host niya sa Happy, Yippe Yehey!.

“Ako rin naman masaya naman ako pag kasama ko siya.”

Pero ipinagdidiinan ni John na wala pa silang relasyon ni Bianca.

“Wala pa namang aaminin. Pero, masayang-masaya talaga kami pag magkasama kami,” sabi niya.

Nag-comment din siya sa narinig niyang balita na madalas siyang akbayan ni Bianca pag nasa labas sila.

“E, hindi ko naman siya kayang akbayan. Kahit gusto ko siyang akbayan, mangangawit lang ako!” pagbibiro niya, na totoo rin naman dahil mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada si Bianca.

Isa lang daw ang aaminin ni John, yun ay ang pagkakaroon niya ng gusto kay Bianca.

“Ako naman, aminado naman ako at sinabi ko naman sa telebisyon na gusto ko naman si Bianca.”

Masasabi bang si Bianca ang nagpapasaya ng puso niya?

“Siya ang nagpapasaya ng puso ko,” mabilis na tugon ni John kasunod ang isa niyang ngiti.

ONLY BIANCA. Sinabi rin ni John ang intensyon niya kay Bianca dahil wala raw siyang ibang dini-date kundi ang beauty queen turned TV personality.

Walang maibigay na kumpirmasyon kung kailan ba magkakaroon ng katuparan ang paghihintay ni John sa panliligaw niya kay Bianca.

“Gusto ko na nga siyang tanungin kung saan ito papunta. Sana naman papunta ito doon, di ba?

“Yun naman ang wish ko,” na ang gusto niyang sabihin ay ang pagsagot sa kanya ng “oo” ng beauty queen.

“Well, this time kasi, nakakapagod na rin na papapalit-palit.

“I’m hoping na sana papunta na dun,” wish pa niya.

HER FIRST? May kilig kay John ang sabi-sabing wala pang nagiging boyfriend si Bianca at kung sakali siya ang unang makakarelasyon ng aktres.

“Akala ko nga 6′2″ ako, e!” bulalas niya.

Duda ang press na hindi nagsasabi ng totoo si John sa status ng closeness nila ni Bianca.

Baka raw maging gaya ito ng ibang showbiz couple na nagde-deny, at nabubuko na lang pag nag-break na ang mga ito.

“Grabe naman, kailan naman ako di umamin?

“Isang beses lang akong hindi umamin at alam n’yong kay Heart [Evangelista] yun.

“Isang beses lang akong umamin at lahat naman yun ay inamin ko.

“But this time, parang mas gusto ko na.

“Ayokong magsalita ng patapos. Gusto ko mas nakikita na lang.

“Ayoko naman na puro salita, wala namang nangyayari.

“Kaya this time, kung napapansin ninyo, hindi ako nagsasalita. Hindi ako nagpapa-interview.

“Mas gusto kong nakikita ng mga tao na ginagawa ko naman siya this time,” paliwanag niya.

MESSAGE FOR BIANCA. Kung meron siyang mensahe kay Bianca na ngayo’y nasa abroad, ano yun?

“Biankie! Wala siya ngayon, e, nasa HK [Hong Kong].

“Wala, e, hindi ako puwedeng mag-absent [sa Happy, Yipee, Yehey!]… Kaka-absent ko lang ng apat na araw.”

Paliwanag niya, ito ay dahil nag-taping siya para sa Maalaala Mo Kaya.

Patuloy ni John, “Kay Biankie, well, mabait na tao [siya].

“Sana bukod doon sana sagutin niya ako. Sana doon papunta lahat.

“Alam naman niya na dito naman ako lagi kahit hindi ako nagsasalita nang madalas. Nandito ako palagi to guide her and support her.”

Samantala, ayaw mag-comment ni John sa rebelasyon ng nakatatanda niyang kapatid na si Camille tungkol sa sakit ng kanyang bayaw na asawa ng huli.

Gusto niyang iwanan na lang ito sa kanyang ate.

You might like:

  • Bianca Manalo more vocal than John Prats about status of their relationship
  • Bianca Manalo masaya sa bagong TV show
  • Toni Gonzaga answers critics: “Yung opinion ko, napapanood sa telebisyon. Yun nga lang, yung sa inyo, sa computer lang.”
  • Bianca Manalo itinangging walang karelasyong TV executive
  • Rivalry issue, itinanggi ni Bianca Manalo
  • Bianca Manalo denies being third party to John Prats-Rachelle Ann Go breakup
  • Alex Gonzaga defends sister Toni Gonzaga against critics: “Trabaho niya yun and sa show nila, siya yung ine-expect na magsasabi ng ganun”

More Entertainment News

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

Top regional entries in 2013 Aliwan Fiesta Streetdance Competition

Voice training ng Yes FM at Love Radio DJs tinutukan nina Kitchie Molina at Dra. Maita Feliciano

101.1 Yes FM wagi bilang Best FM Radio Station sa Gawad Tanglaw 2013

Limang K-pop group may pasabog sa Seoul Invasion

YES! FM DJs hayahay ang pagsalubong sa taong 2013

Kapwa labing-apat na taon na ang 101.1 YES! FM sa radyo

Libreng concert para sa lahat ng kapwa maagang pamasko ng 101.1 Yes! FM

PHOTOS: 101.1 Yes FM and 90.7 Love Radio go to Beijing, China

Original The Hunks member Carlos Agassi nagbabalik bilang isang rapper

Undas 2012 ginunita sa Loyola Melodies & Memories concert

GALLERY: Relief Operation para sa mga sinalanta ng habagat

Kawang-gawa para sa mga nasalanta ng habagat

101.1 YES! FM nakiisa sa ika-47 anibersaryo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

[In Photos] Ang “Born This Way Ball” experience ni Maria Maldita

Pa-Kape at Pa-Chicolate ni Chico Loco at Papa Jack muling dinumog

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta