• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

Kris Bernal reveals receiving a Balenciaga bag from Jolo Revilla last Christmas; retracts statement that Jolo is courting her

January 11, 2012 | Wednesday | 10:50 am

“Ayoko munang pumasok sa isang relasyon na hindi ako sigurado.”

Ito ang bungad na pahayag ni Kris Bernal nang makapanayam ng press noong Linggo, January 8, sa backstage ng Party Pilipinas.

JAY AND IWA? Sa taped interview naman kay Kris na ipinalabas sa Showbiz Central noon ding Linggo, sinabi niya na hindi pa naghihilom ang naging sugat ng hiwalayan nila ni Jay Perillo.

Nali-link ngayon si Jay sa isa pang StarStruck alumna na si Iwa Moto.

Ano ang masasabi ni Kris dito?

“Hindi ko alam kung bakit sila nali-link. Na-confirm na ba niya?

“Ang sabi ni Jay sa akin, magkamag-anak daw sila.

“So, ako naman siyempre, hindi ko naman binigyan ng laman yun,” sabi ng young actress.

BAG FROM JOLO. Kung si Jay ay nali-link kay Iwa, si Kris naman ay balitang nililigawan ngayon ni Jolo Revilla.

Pero ayon kay Kris, hindi pa seryoso ang naiintrigang relasyon nila ni Jolo.

Taliwas ito sa nauna niyang pahayag na nililigawan na siya nito.

Ngayon, ito na ang pahayag ni Kris: “Friends po kami! Yung ligawan na part, hindi pa ako sigurado e, kung nanliligaw ba siya or whatever.

“Basta enjoy lang sa friendship. Sa ngayon, talagang magkaibigan talaga kami.

“Kasi gusto ko pa siyang kilalanin, e. Ang dami pa…ang dami ko pang kailangang malaman sa kanya.”

Inamin din ni Kris na maingat siya, lalo na sa sweetness na ipinapakita sa kanya ng binatang ama.

“Ayoko kasing manggaling sa akin, e. Baka kasi lumabas ako pa yung…assuming pa ako.

“Or, parang sabihin nila nagpi-feeling ako dahil ina-assume ko nga na nanliligaw sa akin.

“Lagi niya akong niyayayang lumabas, kumain sa labas.

“Na-meet ko na rin yung family niya.”

Ibinahagi rin ni Kris ang pagkabigla niya sa regalo sa kanya ni Jolo nitong nakaraang Pasko.

“Niregaluhan niya ako ng Balenciaga bag,” sabi niya.

“Ayoko ngang tanggapin, sabi ko, ‘Teka lang, masyado namang mahal ‘ata ito. Hindi ‘ata para sa akin ito.

“‘Parang kakakilala pa lang natin nang mabuti tapos nakaganito na agad.’”

Nang tanungin kung saan maaaring patungo ang relasyon nila ni Jolo, tila nabago ang isip ng Kapuso actress at binawi ang nauna nitong pahayag.

“Puwede kong buksan ulit ang puso ko.

“Pero, dun na ako sa siguradong hindi ako sasaktan,” sabi ni Kris.

You might like:

  • Tropang Kano tutulong sa rescue operations
  • 50 bahay winasak ng baha sa Jolo
  • Jolo Revilla clarifies issues involving him with Kim Chiu, Melissa Ricks, and Jodi Sta. Maria
  • Kim Chiu flattered that Jolo Revilla has a crush on her
  • Jolo Revilla categorically denies rumored romance with Jodi Sta. Maria: “Basta ako, never naman tayong pumatol sa may boyfriend or may asawa.”
  • Celebrities na tumakbo sa barangay elections, ‘umeksena’
  • Pagkakasangkot ng ASG sa Jolo bombing, inaalam ng PNP

More Entertainment News

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

Top regional entries in 2013 Aliwan Fiesta Streetdance Competition

Voice training ng Yes FM at Love Radio DJs tinutukan nina Kitchie Molina at Dra. Maita Feliciano

101.1 Yes FM wagi bilang Best FM Radio Station sa Gawad Tanglaw 2013

Limang K-pop group may pasabog sa Seoul Invasion

YES! FM DJs hayahay ang pagsalubong sa taong 2013

Kapwa labing-apat na taon na ang 101.1 YES! FM sa radyo

Libreng concert para sa lahat ng kapwa maagang pamasko ng 101.1 Yes! FM

PHOTOS: 101.1 Yes FM and 90.7 Love Radio go to Beijing, China

Original The Hunks member Carlos Agassi nagbabalik bilang isang rapper

Undas 2012 ginunita sa Loyola Melodies & Memories concert

GALLERY: Relief Operation para sa mga sinalanta ng habagat

Kawang-gawa para sa mga nasalanta ng habagat

101.1 YES! FM nakiisa sa ika-47 anibersaryo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

[In Photos] Ang “Born This Way Ball” experience ni Maria Maldita

Pa-Kape at Pa-Chicolate ni Chico Loco at Papa Jack muling dinumog

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta