• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

PEP EXCLUSIVE: Governor ER Ejercito’s camp mulling return of Direk Tikoy Aguiluz in movie billing

January 6, 2012 | Friday | 11:16 am

Humingi ng tawad si Direk Tikoy Aguiluz kay Laguna Governor ER Ejercito.

Ito ang kinumpirma ng tumatayong spokesperson ng gobernador, na si Jobert Sucaldito, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, Enero 4.

Kaugnay ito ng paghingi ng Temporary Restraining Order (TRO) ni Direk Tikoy sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) para sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Hindi kasi sinabihan si Direk Tikoy nina ER at ang prodyuser ng pelikula na si Maylin Enriquez ng Scenema Concepts, Inc. na magpapa-reedit at magpapa-shoot sila ng mga dagdag na eksena para pelikula.

Sa kabila ng nangyari sa kanila, kinilala pa rin ni ER ang husay ni Tikoy bilang isang direktor.

Ito ay ginawa ni ER sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2011, na ginanap noong Disyembre 28, 2011, sa Resorts World Manila Performing Arts Theater, Pasay City.

Ani ER, “Direk Tikoy worked hard for this film. He labored for nine months, for 40 shooting days.

“You’re one of the best and brightest directors in the country.

“Pasensiya ka na, there were decisions the producers had to make to improve the film.”

Nagtamo ng labing-isang karangalan ang Asiong Salonga sa MMFF Awards Night, kabilang na ang Best Picture at Best Director.

Pero imbes na si Tikoy—na ang tunay na pangalan ay Amable Aguiluz VI—ang ginawaran ng pagkilala, ang staff ng Scenama Concepts Inc. na si Darryl dela Cruz ang binanggit na direktor ng pelikula.

DIREK TIKOY’S BILLING. Bukod sa paghingi ng dispensa sa isa’t isa, sinabi rin sa mga report na “nag-compromise” na ng kani-kanilang mga posisyon sina ER at Direk Tikoy.

Kaya raw ibabalik na ang pangalan ng direktor sa posters at print ads ng Asiong Salonga para sa international showing nito.

Gayunman, nilinaw ni Jobert na “nasa talking stage” pa lamang ang gobernador at ang direktor, kasama na rin ang mga prodyuser ng pelikula, kaya wala pang anumang tiyak na desisyon.

Nabanggit din ng spokesperson ni Governor ER na may nakatakdang hearing para sa TRO na nakuha ni Direk Tikoy para sa Manila Kingpin kahapon, Enero 3.

Nagtungo raw doon ang prodyuser ng pelikula na si Maylin, ngunit ang abugado lamang daw ni Tikoy ang dumalo sa hearing.

Ngayon, inaayos muna nila ang mga isyu sa Asiong Salonga.

At saka na raw nila pag-uusapan kung si Direk Tikoy pa rin ang magdidirek ng El Presidente.

Ang El Presidente ay pagbibidahan ni ER at ng Superstar na si Nora Aunor.

Iginiit din ni Jobert na ang mga prodyuser pa rin ang may “last say” sa pagdedesisyon kung si Direk Tikoy ang tatapos ng pagdidirek ng El Presidente.

Ang Scenema Concepts, Inc. din ang prodyuser ng nasabing pelikula.

Bukas ang PEP.ph na ilathala ang reaksiyon ng mga taong kasangkot sa naturang isyu.

You might like:

  • Gov. ER Ejercito and Direk Tikoy Aguiluz disappointed that remake of Asiong Salonga did not make it to this year’s MMFF
  • Direk Tikoy Aguiluz says directing Nora Aunor is a dream
  • Darryl dela Cruz, who was announced director of Asiong Salonga at MMFF awards night, hurt and offended by comments made by Direk Tikoy Aguiluz
  • Brillante Mendoza supports petition to show Director’s Cut of Tikoy Aguiluz’s Asiong Salonga
  • Governor ER Ejercito rejects Tikoy Aguiluz’s demand to remove his name as director of Manila Kingpin
  • Cinemanila finds permanent home in Taguig City
  • Nora Aunor will undergo surgery in the U.S. in January 2012

More Entertainment News

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

Top regional entries in 2013 Aliwan Fiesta Streetdance Competition

Voice training ng Yes FM at Love Radio DJs tinutukan nina Kitchie Molina at Dra. Maita Feliciano

101.1 Yes FM wagi bilang Best FM Radio Station sa Gawad Tanglaw 2013

Limang K-pop group may pasabog sa Seoul Invasion

YES! FM DJs hayahay ang pagsalubong sa taong 2013

Kapwa labing-apat na taon na ang 101.1 YES! FM sa radyo

Libreng concert para sa lahat ng kapwa maagang pamasko ng 101.1 Yes! FM

PHOTOS: 101.1 Yes FM and 90.7 Love Radio go to Beijing, China

Original The Hunks member Carlos Agassi nagbabalik bilang isang rapper

Undas 2012 ginunita sa Loyola Melodies & Memories concert

GALLERY: Relief Operation para sa mga sinalanta ng habagat

Kawang-gawa para sa mga nasalanta ng habagat

101.1 YES! FM nakiisa sa ika-47 anibersaryo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

[In Photos] Ang “Born This Way Ball” experience ni Maria Maldita

Pa-Kape at Pa-Chicolate ni Chico Loco at Papa Jack muling dinumog

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta