• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

Ang Notable at Ang Quotable: bangs, botox, atbp!

July 23, 2010 | Friday | 12:47 pm

(Left) Ang new look ni Maria Maldita! (Right) Ang pagbisita ni Charlie Green kahapon dito sa 101.1 Yes FM!



NOTABLE: Dude kailangan magtipid-tipid ng tubig dahil sa water shortage! Mas mabuti na ang laging nagtitipid ng tubig kaysa tuluyan pang mawala ito.

QUOTABLE: Ang pahayag ng news personality na si Korina Sanchez na handa na siyang magka-baby! Kung girl ang kanilang magiging baby ni Mar Roxas…pwedeng name ang MAR-INA… as in Marina! Perfect!!!

NOTABLE: Pang-lima sa listahan ng Sports Illustrated’s “20 Highest Paid Athletes” si Manny Pacquiao samantalang pang-anim naman ito sa katulad na listahan sa Forbes Magazine!

QUOTABLE: Tinawag na bakla ni Floyd Mayweather Sr. si boxing champ Manny Pacquiao! Ayaw nang patulan ni Pacman ang sinabi sa kanya ng kampo ni Mayweather. Dapat lang ‘wag nang patulan ni Manny dahil ayaw ni Chiki at Bibbi na may umagaw sa kanilang trono bilang “Pambansang Kama-OOOHHHW”!!!

NOTABLE: Ang worldwide backlash sa isyu ng pagpapa-botox ni international singing sensation Charice Pempengco. Hindi lang sa Pilipinas nagkakaroon ng ilang negative comments about Charice’s decision. Maging sa ibang part ng earth ay meron din!

QUOTABLE: Ang joke ng isang Pinoy sa kaniyang Twitter account. Ang sabi sa tweet: “3 things i want noynoy to discuss at the SONA: storm readiness, water shortage in metro manila & charice’s use of botox: (for or against?)”

NOTABLE: Muling pagbabalik ng game show na “Hole in the Wall”. Hindi na si Yaya at Angelina ang hosts sa nasabing game show. Si Kim Min Yung at Kim Kang Kong na ang hosts sa game show. Makapasok ka kaya sa butas dude?!! HAHAHA!!!

QUOTABLE: Tumawa lang si Charlie Green nang hindi niya mabanggit ng maayos ang “Lim Ket Kai” na isa sa mga venue ng kanilang concert tour ni Sarah Geronimo. Bumisita dito sa Yes FM kahapon si Charlie Green na ininterview ni Vilma Taray.

NOTABLE: Ang new hair-do ni Maria. May “bangs” na siya! May mga nagsabing siya daw si Dora the Senior.

QUOTABLE: Ang shout ni Biboy Bibbo sa kaniyang Facebook account. Sabi niya “Yey Panalo Ko sa Celebrity Cook-OFF ang niluto e Creamy Vegetable Omelet at Sweet n Sour Fish. Shuta diko alam kung Pano Ko nanalo Pero Muka Naman ako Marunong Magluto Hehehe Nice Experience ApiR Diego Bandits :) Smiley :) ”. May nag-tanong din kung inspired si Biboy. Ang sagot ng Yes FM radio jock: “opo im really inspired lol :) ”.

NOTABLE: Ang pagbabago ng katawan ni Diego Bandido. Hunk ang dating ngayon ni Diego Bandido. Ganadong-ganado din si Emma Harot sa programa nila ni Diego.

You might like:

  • Ang Notable at Ang Quotable sa “Hating Kapatid”
  • Ang Notable at Ang Quotable sa “Hating Kapatid”
  • Ang Notable at Ang Quotable: Willie may noontime show sa TV5?
  • Ang Notable at Ang Quotable: Biboy wagi sa pagluluto!
  • Calayan clinic in West Hollywood reportedly closed down; medical staff allegedly caught “practicing without license”
  • Menudo’s Robi Rosa stricken with stomach cancer
  • Cong. Tañada, kinondena ang child abuse issue ni Willie Revillame

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

101.1 YES! FM nilibot ang Maynila para mamahagi ng tulong ngayong Pasko

PHOTOS: YES! FM’s 13th anniversary; STL grand draw wtih Bamboo

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! concert sa Valenzuela City

MBC sumipa sa 1-2-3 rating ng radyo

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! concert sa Parañaque City

Radyo? Dalawa Lang Yan! concert sa Tondo, 168 Mall inulan ng tao

Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series in 168 Mall

PHOTOS: Ang patok na gig ng YES! FM at Love Radio sa Taguig

Libreng concert sa Taguig, naging patok na gig

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert sa Pasig

Pasig City, niyanig ng Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert Series

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series sa Quezon City

Bagyong nanalasa sa Quezon City, powerful na powerful!

Call for entries to the MBC National Choral Competition 2011

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert in Mandaluyong

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta