• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

Bagyong nanalasa sa Quezon City, powerful na powerful!

September 5, 2011 | Monday | 2:14 pm

Ang mga solid listeners ng YES! FM, sumabay sa rap ni Andrew E. (INSET) Si Andre E. hawak ang isang YES! FM shirt.(Photo by Philente)

POWERFUL ANG BAGYONG nanalasa sa Quezon City.

Hindi umubra ang Bagyong Mina sa “bagyong” dala ng “Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series” sa MRB Covered Court, Brgy. Commonwealth, Quezon City last August 27, Sabado.

Libo ang nakisaya sa libreng concert hatid ng YES! FM 101.1 at 90.7 LOVE RADIO.

Nagpaulan ng tawanan, kantahan at kasiyahan ang mga DJs mula sa Automatic Yan! YES! FM na pinangungunahan nina Diego Bandido, Emma Harot, Kristine Dera, Robin Sienna, Totoy Bato, Maria Maldita, Chico Loco, Biboy Bibbo kasama rin sina Beauty, Brownie at Bruno.

Kakaibang bugso din ng saya ang hatid ng Tambalang Chris Tsuper at Nicole Hyala at si Papa Jack mula sa 90.7 LOVE RADIO. Kasama din sa isang gabi ng tugtugan ang mga kabisyo DJs na sina Rica Herra, Missy Hista, Rico Pañero at Lala Banderas.

Humataw sa sayawan ang YES! FM jocks na sina Maria Maldita, Robin Sienna kasama si Lala Banderas ng Love Radio sa saliw ng kantang “On The Floor” ni Jennifer Lopez.

Naka-hakot naman ng atensyon sa mga taga-Quezon City ang karisma ni Emma Harot kaya ang ilan sa mga nanood, may dala pang placard na may nakalagay na “We love you Emma Harot!”

Hindi inalintana ng mga taga Quezon City ang ulan at nakisabay pa sa ihip ng kantahan at sayawan kasama ang Banda ni Kleggy, Gracenote, Jamich, 6 Cyclemind, at si Andrew E.

Nagpakitang-gilas din ang rapper na si Andew E. sa kaniyang sariling rap mixes ng YES! FM at Love Radio.

Bumagyo din ng freebies at pa-premyo tulad ng FMCC shirts at YES! FM merchandise sa mga masuswerteng listeners na sumali sa mga palaro at pa-contest ng Automatic Yan! YES FM.

Kaya naman sa bagyo-bagyong kasiyahan na dala ng “Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series”, mainit na mainit ang naging pagtanggap ng mga taga Quezon City sa dalawang FM radio station na patuloy na nangunguna sa Metro and Mega Manila – ang 90.7 LOVE RADIO at 101.1 YES! FM.

Mula sa AUTOMATIC YAN! YES FM!, maraming salamat QUEZON CITY!

You might like:

  • PAGASA: Bagyong Basyang palabas na ng bansa
  • YES! Vid of the Day (November 15)
  • YES! Vid of the Day (August 13, 2012)
  • YES! Pic of the Day (May 23, 2012)
  • YES! Pic of the Day (December 1)
  • YES! Pic of the Day (March 7, 2012)
  • Bagyong basyang imposibleng mag “u-turn”

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

Top regional entries in 2013 Aliwan Fiesta Streetdance Competition

Voice training ng Yes FM at Love Radio DJs tinutukan nina Kitchie Molina at Dra. Maita Feliciano

101.1 Yes FM wagi bilang Best FM Radio Station sa Gawad Tanglaw 2013

Limang K-pop group may pasabog sa Seoul Invasion

YES! FM DJs hayahay ang pagsalubong sa taong 2013

Kapwa labing-apat na taon na ang 101.1 YES! FM sa radyo

Libreng concert para sa lahat ng kapwa maagang pamasko ng 101.1 Yes! FM

PHOTOS: 101.1 Yes FM and 90.7 Love Radio go to Beijing, China

Original The Hunks member Carlos Agassi nagbabalik bilang isang rapper

Undas 2012 ginunita sa Loyola Melodies & Memories concert

GALLERY: Relief Operation para sa mga sinalanta ng habagat

Kawang-gawa para sa mga nasalanta ng habagat

101.1 YES! FM nakiisa sa ika-47 anibersaryo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

[In Photos] Ang “Born This Way Ball” experience ni Maria Maldita

Pa-Kape at Pa-Chicolate ni Chico Loco at Papa Jack muling dinumog

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta