• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

LABAN KUNG LABAN: The YES! FM 2010 Team Building

February 24, 2010 | Wednesday | 12:37 pm

“Mainit…masikip…gumagapang…mapanisid…nakakaubos-lakas…gagawin ang lahat…para mailabas…ang tunay na lakas…”

Kung hindi ka sanay sa mga eksenang uubos ng lakas mo, huwag ka nang magtangka subukin ang mga mapangahas na bagay na pinagdaanan ng 101.1 YesFM team…dahil ‘yun ay LABAN KUNG LABAN!

Pastilan dude! Masyado ka namang nag-iisip ng kung anu-ano! Hahaha!

Tama! Isang mainit at nakakaubos-lakas na araw ang pinagdaanan ng mga favorite Automatic DJs mo na sina Totoy Bato, Diego Bandido, Emma Harot, Vilma Taray, Maria Maldita, Chico Loco, Biboy Bibbo, kasama ang iba pang YesFM team members para sa 101.1 YesFM’s 2010 Team Building.

Sa Forest Club, Laguna sinubok ang tatag, lakas, pagkakaisa, at takaw ng naglalabang Production Team (Gray Team) na kinabibilangan ng mga Automatic DJs laban sa Admin Team (Black Team) na ginanap last February 17-18.

Hindi nagpatalo ang Gray and Black Team sa bawat games. Dinaig pa ang mga kandidato sa eleksiyon! Kanya-kanyang diskarte. Kanya-kanyang pakulo para madiskaril, masabotahe, at magupo ang plano ng kabilang grupo dahil ang nakataya sa premyo ay ang kanilang isang taong sweldo!!! Hahaha!!!

Isa sa mga laro na sumubok sa tatag ng YesFM team ay ang Log Crossing na kinakailangan ng matinding focus, focus, focus! Sa unang tingin mukhang madali, pero kung hindi ka nakain ng balot at mahina-hina ang tuhod mo, plakda sa tubig ang aabutin mo! Haha!

Naging mahigpit ang labanan sa bawat obstacles. As in obstacles talaga! Kaya kahit sinasabi ng facilitators na “putik lang ‘yang gagapangan niyo”…sugod lang! Kahit na burak…B-U-R-A-K naman talaga ang nilusong at hindi putik…hindi talaga siya P-U-T-I-K! Hahaha!!!

Matapos ang 12 laro at bakbakan, nagkaroon ng isang close fight pagdating sa scores…

The Games Gray Team Black Team
Survival Games
Canopy Walk 100 Points 100 Points
Single Rope 4:50/50 Points 4:08/100 Points
Log Crossing 7:48/100 Points 8:10/50 Points
Bamboo Rafting 6:50/100 Points 9:12/50 Points
Mud Crawl 2:04/100 Points 3:13/50 Points
Field Games
Obstacle Course 3:33/50 Points 3:24/100 Points
Ski Relay 2:10/50 Points 2:03/100 Points
Buko Relay 2:01/50 Points 1:54/100 Points
Trust Games
Mine Field 13:36/50 Points 5:10/100Points
Spider Web 7:12/100 Points 16:00/50Points
Pool Games
Leaking Tank 15sec./100 Points 27sec./50 Points
Pearl Diving 23pcs./50 Points 29pcs./100 Points


…at matapos makuha ang resulta ng mga laro at maging pinal ang mga scores, tinanghal na kampeon ang Black Team laban sa Gray Team.

Subalit sa kabila ng mapangahas at makapigil-hininga na bakbakan, nangibabaw pa rin ang kooperasyon, pagkakaisa, at pagtitiwala sa kasamahan…kaya sa taong ito…‘wag nang magbobo-bobohan pa…ilagay mo ‘to sa O-TEN mo!

You might like:

  • Manny Pacquiao involved in minor vehicular accident, but not injured
  • Viloria reresbak sa kanyang laban kay Soto
  • Brownout-free sa Pacquiao-Clottey fight, tiniyak ni Reyes
  • PHOTOS: YES! FM team building in Tagaytay
  • Azkals nilampaso ang Mongolia sa AFC Cup
  • DOH sinimulan na ang bakuna laban sa H1N1 virus
  • PDP-Laban nagbabala kay Roxas

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

Ms. Philippines – Earth 2012 beauties, rumampa sa YES! FM

Aliwan Fiesta 2012 List of Winners

“PAPA”-kape at pa-”CHICO”-late, mabenta sa drivers

Bevy of beauties for Aliwan Fiesta 2012

The Hunger Games pinalakpakan sa advance screening

Seasports Festival aarangkada na sa Manila Ocean Park

Chico Loco niregaluhan ng doodle shirt, cherry balls at bagulbam

Apl De Ap ng Black Eyed Peas, time-out muna sa pag-kanta

EXCLUSIVE PHOTOS: Mr. & Mrs. A Valentine Concert

Maria Maldita at Chico Loco “kasalo” sa Weddings and Debuts 2012 Bridal Fair

Unang birada ng “Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series” dinagsa

PHOTOS: Radio MYX guesting ni Missy Hista at Rico Pañero

Kabisaduhin at sabayan na ang jingle ng 101.1 YES FM

101.1 YES! FM nilibot ang Maynila para mamahagi ng tulong ngayong Pasko

PHOTOS: YES! FM’s 13th anniversary; STL grand draw wtih Bamboo

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta