Libreng concert sa Taguig, naging patok na gig
September 28, 2011 | Wednesday | 4:15 pm

LUCKY DAY NI ATE! Swerteng-swerte ang araw ni ate matapos maka-kulitan ang dalawang DJs ng YES! Diaries na sina Chico Loco at Biboy Bibbo.
Naging instant gig para sa mga Taguigeños ang katatapos lang na “Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series” ng 101.1 YES! FM noong nakaraang Sabado, September 24.
Nakasama ng mga taga-Taguig sa isang gabi ng gig sa C.P. Tinga Sports Complex ang mga kinagigiliwang YES! FM DJs na sina Diego Bandido, Emma Harot, Kristine Dera, Robin Sienna, Totoy Bato, Maria Maldita, Chico Loco, Biboy Bibbo, at ang pambansang jokers sa radyo na sina Bruno, Brownie at Beauty.
Ka-join din ang mga 90.7 Love Radio jocks sa pangunguna ng Tambalang Chris Tsuper at Nicole Hyala, Rica Herra, Missy Hista, Rico Pañero, Lala Banderas, Papa Jack, at si Kadyot Pinong.
Nangibabaw naman ang kantahan sa pangunguna ng bandang Cueshe, na kumanta ng kanilang mga hits kasama na ang “Ulan”.
Samantala, buhay na buhay ang gabi ng mga kalalakihan nang umakyat na sa entablado ang singer-actress na si Niña Jose para awitan ang mga Taguigeños gamit ang kaniyang sweet young voice.
Mas lalo pang naging uber sa pagka-energetic ang mga residente ng Taguig sa paglabas ni Andrew E.
“Love Radio at YES! FM ang number one,” sigaw ng tao habang sinasabayan ang rap ni Andrew E.
Nakisaya din ang ilang opisyal ng Taguig City tulad ni Taguig City 1st District Congressman Arnel Cerafica.
Ang libreng concert ng 101.1 Yes FM at 90.7 Love Radio ay isa ring pasasalamat ng dalawang nangungunang istasyon sa Metro and Mega Manila.



