Pasig City, niyanig ng Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert Series
September 19, 2011 | Monday | 1:05 pm

YES! BEAUTIES. Si Robin Sienna, Maria Maldita at Kristine Dera habang nakikisaya sa libreng concert ng Radyo? Dalawa Lang Yan!
Star-studded ang pag-sugod ng “Radyo? Dalawa lang Yan! The Concert Series” sa Bliss Covered Court, Sta. Lucia, Pasig City noong September 10, Sabado, kasama ang buong tropa ng 101.1 YES! FM at 90.7 LOVE RADIO.
Handang-handa para sa isang gabi ng mainit na sayawan at kantahan ang mga radio jocks ng Automatic Yan! YES! FM na sina Diego Bandido, Kristine Dera, Robin Sienna, Totoy Bato, Maria Maldita, Chico Loco at Biboy Bibbo, isama mo pa ang mga pambansang joker sa radyo na sina Bruno, Brownie at Beauty.
Game na game din ang mga DJs ng 90.7 LOVE RADIO na sina Chris Tsuper, Nicole Hyala, Rica Herra, Missy Hista, Rico Pañero, Lala Banderas, Papa Jack at si Kadyot Pinong.
Maliban sa mga inaabangang DJs ng dalawang nangungunang radio stations sa Metro and Mega Manila, pitong bigating performers pa ang isinama ng Love Radio at YES! FM para maki-jamming sa mga taga-Pasig City.
Niyanig nina Prince of Pop Erik Santos, Shamrock, Maldita, Stephanie Dan, Frio at Sentimiento ang Bliss Covered Court.
YES! na YES! naman sa katatawanan ang gimik nina Biboy Bibbo at Chico Loco kasama si Papa Jack.
Humataw naman sa kantahan sina Kristine Dera at Diego Bandido. “99.9% nag-enjoy akey sa concert,” pahayag ni Kristine Dera.
Ang partner ni Emma Harot na si Diego, naging mabenta sa mga manonood dahil sa pagpapakitang-gilas ng kaniyang rapping skills.
Ano naman ang masasabi ni Kristine Dera sa tandem nila ni Diego Bandido sa kantahan, na naging patok sa mga manonood?
“Masaya! Sobrang masaya!” sagot ni Kristine Dera.
Palong-palo din ang mala-“Moulin Rouge” sexy dance number nina Maria Maldita at Robin Sienna with Lala Banderas.
“Pinausukan nga kami, ang daming usok [dahil sa smoke machine]. Tinanong ko nga si Maria Maldita: Maria, may nakakakita pa ba sa ‘tin?” biro ni Robin Sienna.
Sa tingin kaya ni Robin Sienna ay maraming kalalakihan ang tumibok ang puso dahil sa kanilang dance number?
“Namaaaan!!!” confident na sagot ni Robin Sienna.



