• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

Radyo? Dalawa Lang Yan! concert sa Tondo, 168 Mall inulan ng tao

October 13, 2011 | Thursday | 2:28 pm

(CLOCKWISE FROM TOP) Ang itsy-bitsy-pinky oversized ribbon ni Maria Maldita at Emma Harot; Diego Bandido with PYT; Biboy Bibbo in 168 Mall; Kinanta ni Kristine Dera ang Sulat para sa Radyo? Dalawa Lang Yan! concert; Bakit kaya nag-make face si Chico Loco?

Doble-doble ang saya kasama ang 101.1 YES! FM noong Sabado, para sa patuloy na pagsugod ng “Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series” sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.

Maliban sa ulan na dala ng panahon, inulan din ng tao ang tapat ng Sto. Niño Church sa Tondo, Manila dahil sa libreng concert mula sa 101.1 YES! FM at 90.7 Love Radio.

Kahit pa siksikan sa dami ng tao, hindi nagpa-pigil ang mga taga-Tondo masilayan lang ang mga DJs ng YES! FM na sina Diego Bandido, Emma Harot, Kristine Dera, Robin Sienna, Totoy Bato, Maria Maldita, Chico Loco, Biboy Bibbo, at ang mga pambansang jokers sa radyo na sina Bruno, Brownie at Beauty.

“Thanks so much Tondo sa mainit na pag welcome sa aming Radyo Dalawa concert. Umuulan, yet ang daming tao,” ayon sa post ni Kristine Dera sa kaniyang official Facebook page.

Hindi rin makukumpleto ang gabi sa Tondo kung wala ang mainit na kantahan mula kina Andrew E., Rivermaya, at ang all-female group na Pretty Young Thing (PYT).

“Thanks YES FM 101.1!!! we had a blasst last Saturday at Tondo.. Thanks Thanks.. see you again soon! much love,” pasasalamat ng PYT.

“salamat YES FM!” dagdag ng Rivermaya.

Samantala, nauna nang nagkaroon ng isang libreng concert noong Sabado sa 168 Mall bilang bahagi pa rin ng “Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series”.

Pasado alas-dos ng hapon nag-simula ang kasiyahan sa 168 Mall kasama ang dalawang YES! FM DJs na sina Kristine Dera at Biboy Bibbo.

Guest artists ang mga singing heartthrobs na sina Bryan Termulo at Mike Tan kasama ang mga nagseseksihang miyembro ng Playgirls.

You might like:

  • Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series in 168 Mall
  • PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! concert sa Valenzuela City
  • YES! Vid of the Day (March 16, 2012)
  • PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert in Caloocan
  • PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert in Marikina
  • PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert in Mandaluyong
  • PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert sa Pasig

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

Top regional entries in 2013 Aliwan Fiesta Streetdance Competition

Voice training ng Yes FM at Love Radio DJs tinutukan nina Kitchie Molina at Dra. Maita Feliciano

101.1 Yes FM wagi bilang Best FM Radio Station sa Gawad Tanglaw 2013

Limang K-pop group may pasabog sa Seoul Invasion

YES! FM DJs hayahay ang pagsalubong sa taong 2013

Kapwa labing-apat na taon na ang 101.1 YES! FM sa radyo

Libreng concert para sa lahat ng kapwa maagang pamasko ng 101.1 Yes! FM

PHOTOS: 101.1 Yes FM and 90.7 Love Radio go to Beijing, China

Original The Hunks member Carlos Agassi nagbabalik bilang isang rapper

Undas 2012 ginunita sa Loyola Melodies & Memories concert

GALLERY: Relief Operation para sa mga sinalanta ng habagat

Kawang-gawa para sa mga nasalanta ng habagat

101.1 YES! FM nakiisa sa ika-47 anibersaryo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

[In Photos] Ang “Born This Way Ball” experience ni Maria Maldita

Pa-Kape at Pa-Chicolate ni Chico Loco at Papa Jack muling dinumog

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta