The Hunger Games pinalakpakan sa advance screening
March 23, 2012 | Friday | 5:15 pm
Pinalakpakan ng mga manonood ang pelikulang “The Hunger Games” sa advance screening nito kasama ang Automatic Yan YES! FM na ginanap sa Gateway Cineplex Cinema 5 last March 21.
Ang pelikula, na pinagbibidahan nina Jennifer Lawrence bilang Katniss Everdeen at ni Josh Hutcherson bilang Peeta Mellark, ay isang adventure science fiction na kung saan 24 tributes mula sa 12 Districts ang makikipaglaban para makalabas ng buhay mula sa mapangahas na laro na The Hunger Games.
Ikinatuwa naman ng mga manonood sa advance screening ang kwento maging ang nakakakilig na kwento nina Katniss at Peeta.
Ang mga hosts at mag-pakner sa radyo na sina Rico Pañero at Lala Banderas, nagawa namang makapag-bigay ng mga pa-premyo mula sa Pizza Hut at M. Lhuillier para sa mga manonood.
Kabilang din sa mga nakapanood ng advance screening ng The Hunger Games ang mga Binibining Pilipinas 2012 beauties.
GALLERY:





