• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

YesFM, Best FM Station sa 8th Gawad Tanglaw

March 4, 2010 | Thursday | 4:35 pm

Inuwi ng 101.1 YesFM ang dalawang natatanging pagkilala sa larangan ng radyo mula sa 8th Gawad Tanglaw na ginanap sa Jose Rizal University kagabi.

Nakuha ng YesFM ang BEST FM STATION at BEST RADIO STATION awards mula sa award-giving body na binubuo ng mga kritiko mula sa akademiya.

Tinanggap ng mga DJs mula sa YesFM ang mga parangal kasama si YesFM Station Supervisor Karen Golfo.

Napuno ang JRU quadrangle ng mga sikat na personalidad mula sa larangan ng pelikula, TV, radyo, at teatro.

Nagpadagdag pa sa ingay ng gabi ang mga estudyante ng naturang paaralan, na nagsilbing host ng ika-walong taon ng Gawad Tanglaw.

Ang Gawad Tanglaw o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw ay binubuo ng mga film critics, scholars, at history and humanities professors na nagbibigay parangal sa film, TV, theater at radio arts.

Dalawang magkasunod na taon nang naging Best FM Station ang YesFM dahil sa nakaraang taon, ang istasyon din ang nakakuha ng parangal mula sa naturang award-giving body.

Ilang artista, tumanggap din ng parangal

Ilan sa mga showbiz personalities na dumalo sa Gawad Tanglaw ay sina Ms. Isabel Lopez na nagwagi bilang Best Supporting Actress para sa Kinatay at Tulak; Coco Martin na nakakuha ng Presidential Jury Award for Excellence in Acting; Allen Dizon bilang Best Actor para sa Dinukot; Roderick Paulate na nagwagi bilang Best Supporting Actor para sa Dead na si Lolo; Pooh, Zanjoe Marudo, at John Pratts para sa Best Comedy/Gag Show na Banana Split; at Zaijian “Santino” Jaranilla na pinarangalan bilang Natatanging Gawad Tanglaw para sa Sining ng Telebisyon.

Binigyang parangal si Gov. Vilma Santos-Recto bilang Best Actress para sa 2009 Star Cinema movie na In My Life.

Nakuha naman ni Luis Manzano ang kanyang first acting award bilang Best Supporting Actor at si John Lloyd Cruz naman bilang Best Actor para sa In My Life.

WHAT'S NEW

PGT’s first grand champion Jovit Baldivino on Yes FM!

Jovit Baldivino with his first album

PHOTOS: Emma Harot on Radio MYX! Bakit wala si Diego?!

Sayang at hindi nakasama ang…

Ang Notable at Ang Quotable: bangs, botox, atbp!

Dude kailangan magtipid-tipid…

Marvin Ong nag-share ng “panaginip” kay Diego Bandido!

Diego’s interview with Marvin Ong

Ang Notable at Ang Quotable sa “Hating Kapatid”

“Paikot-ikot…? Ninununo…?”

Salibadaf with Chiki and Bibbi

Hanggang ngayon wiz o as in wala pa ring nakakakita sa true image…

Love Parade ng True Faith paparada na

Everything that you want in an album lahat po nandito…

PHOTOS: PnE, Chicosci, Cueshe, iba pa sa Manila Beer launch

Lea Salonga kinumpirma na di siya kasali sa “Glee”

Nilinaw ni Lea Salonga na…

PnE, Kamikazee, iba pa nakisaya sa Manila Beer concerts

Mainit na mainit ang naging…

Angel Locsin, FHM’s Sexiest Woman for 2010

Muli na namang namayagpag si Angel Locsin…

Jericho Rosales tumanggap ng kaniyang 2nd music award

Blessed na blessed talaga ang hunk…

Mga kanta sa new album ni Lady Gaga mas seryoso

Kung nabitin ka sa…

Charice opisyal nang kasali sa next season ng Glee!

Nung unang pumutok ang…

Talent ni Aljur Abrenica hindi “nasayang” sa kaniyang new album

Aside from his…

TODAY'S NEWS

  • Ama ni Pacman itinangging sangkot ang anak sa gambling

    Read Full Article

  • “Fly-by-night” agencies pinababantayan ni Mikey Arroyo

    Read Full Article

  • Committee chairmanship pinagaawan sa senado

    Read Full Article

  • P5-M pabuya binigay ng PDEA sa 6 civilian informants

    Read Full Article

TOP10

Baby
Justin Bieber

Pyramid
Charice Pempengco feat. Iyaz

Too Much Love Will Kill You
Jovit Baldivino

Pagkat Mahal Kita
Bugoy Drilon

Tik Tok
Kesha

Not Like The Movies
KC Concepcion

Kung Wala Ka
Nikki Gil

Ikaw Lamang
Jay-R

Faithfully
Jovit Baldivino

Hitik sa Bunga
Brownman Revival