Ang “Way of the Weave,” ang pangunahing tema ng ASEAN Trade Expo 2026, ay magdadala ng kultura, galing sa paglikha, at mga negosyo ng mga bansa sa ASEAN at Southeast Asia partners sa Okada Manila sa November 10-12, 2026, bilang isa sa mga flagship event ng pag-ho-host ng Pilipinas sa ASEAN Chairship.
Sa loob ng tatlong araw, ang Maynila ang magiging sentro ng pagkikita para sa mga artisan, kababaihang negosyante, mga industriyang pangkultura, mga mamimili, mamumuhunan, at mga lider ng pamahalaan sa ASEAN. Dito, ang ating pamana at tradisyon ay hindi lang basta itatampok, kundi ikokonekta rin sa mas malawak na merkado at mga bagong oportunidad.
Inaasahang titipon sa eksibisyon ang higit sa 200 negosyong pinangungunahan ng kababaihan sa ASEAN at mga kalahok mula sa cultural industry. Makakaakit din ito ng mga internasyonal na buyer, investor, trade minister, at mga regional decision-maker.
Saan magtatagpo ang kultura at magsisimula ang negosyo?
Sa regional showcase na ito, maipagmamalaki ng bawat bansa sa ASEAN pati na ang mga partner country sa Southeast Asia ang kanilang mga produkto at negosyo sa pamamagitan ng kani-kanilang country booth na nagpapakita ng kanilang galing, pagiging malikhain, at potensyal sa ekonomiya. Sa ngayon, nangunguna sa country booth exhibition ang Pilipinas at Singapore, na parehong may 24-sq-meter full country setup. Makikita at masusuri ng mga bisita ang iba't ibang uri ng tela, tradisyon sa paghahabi, handicraft, produktong pangkultura, lokal na gamit, at mga alok mula sa mga negosyong pinapatakbo ng kababaihan.
Kuwento ng paghahabi sa Philippine Booth
Ang Pilipinas ay tahanan ng maraming henerasyon ng katutubong tradisyon sa paghahabi, kung saan bawat isa ay may sariling kwento sa kulay, teknika, pagkakakilanlan, at komunidad. Sa Philippine showcase, makikita ng mga bisita ang mga natatanging habi na gawa ng mga island winner ng Amazing Weaves Distinction Awards 2026, kasama ang mga handicraft at iba pang produktong nagpapakita ng pinakamahusay na likha at pagiging malikhain ng mga Pilipino.
Kabilang sa mga tradisyong Pilipino na bibigyang-pansin ay ang T’nalak ng mga T’boli, Yakan ng Basilan, at Inabel ng Ilocos, pati na rin ang mga tradisyon sa paghahabi mula sa Luzon, Visayas, Mindanao, at BARMM. Ang isa sa mga pangunahing tampok ay ang Aklan Piña, isang sikat na handloom weaving na opisyal na kinilala ng UNESCO bilang Intangible Cultural Heritage of Humanity.
Ang mga likhang ito ay hindi lamang basta magagandang palamuti. Taglay nito ang karunungang ipinasa-pasa sa bawat henerasyon, ang kabuhayan ng mga komunidad na umaasa sa kanilang sining, at ang pagsisikap ng mga negosyong lumalawak mula sa lokal patungo sa pandaigdigang merkado. Ito ang kwentong dadalhin ng Philippine booth sa ASEAN stage: na ang ating pamanang pangkultura ay hindi lamang pinagmumulan ng pagkakakilanlan, kundi isa rin palang malaking oportunidad sa ekonomiya.
Ang mga nangungunang habi sa Philippine showcase booth ay karamihang gawa ng mga nanalo sa The Amazing Weaves Distinction Awards 2026. Ang pagkilalang ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Women’s Business Council Philippines, Galing Pook Foundation, Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Commission on Women (PCW), DOST - Philippine Textile Research Institute (PTRI), at TESDA.
Isang pangkalahatang hinaharap na pinagdugtong ng habi
Sa huli, ang Way of the Weave: ASEAN Trade Expo 2026 ay idinisenyo hindi lamang bilang isang trade exhibition, kundi bilang isang lugar ng pagtatagpo kung saan ang iba't ibang kultura, negosyo, at oportunidad sa ASEAN ay magsasama-sama upang bumuo ng mas matibay na ugnayan sa buong rehiyon.
Pinangungunahan ito ng mga kababaihang negosyante gaya nina PCW Commissioner Rosemarie Rafael, ang kasalukuyang Chairperson at Founder ng Airspeed Group of Companies; Myrna Yao bilang Co-Chair, CEO ng Richprime Global Inc. at PCW Commissioner; kasama si Dr. Karen De Asis, isang 2025 ASEAN Women Entrepreneur (AWEN) awardee at founder ng MKS Marketing Consulting, na kumakatawan sa Pilipinas sa kanyang adbokasiya na tulungan ang mga family business na makabuo ng matitibay na brand na patuloy na nagiging lider sa merkado sa paglipas ng mga henerasyon.
Inaanyayahan ng ASEAN Trade Expo 2026 ang mga kasaping bansa sa ASEAN na itampok ang kanilang mga habi, at ang mga lokal at internasyonal na bisita na maranasan ang mga produkto, kwento, at oportunidad sa rehiyon. Libre ang visitor registration at mayroon ding business matching para sa mga interesadong lumahok. Mas higit pa sa isang eksibisyon, layunin ng Way of the Weave na iwan sa mga bisita ang isang simpleng kaisipan: kapag ang mga tao, negosyo, pamana, at pangarap sa ASEAN ay pinag-ugnay at hinabi nang sama-sama, ang ating pangkalahatang hinaharap ay nagiging mas matatag, mas konektado, at mas bukas sa buong mundo.
Kasama rito ang mga outstanding na mga kababaihan tulad nina:
PCW Commissioner Rosemarie Rafael, concurrent Chairperson at Founder ng Airspeed Group of Companies
Myrna Yao, Co-Chair, CEO of Richprime Global Inc. at concurrent PCW Commissioner
Dr. Karen De Asis, isang 2025 ASEAN Women Entrepreneur (AWEN) awardee at founder ng MKS Marketing Consulting, nirerepresenta niya ang Pilipinas para sa kanyang adbokasiya na tulungan ang family businessses na makabuo ng strong brands at magig category dominant market leaders o mahusay na challengers sa mga susunod pang henerasyon.
Ang Way of the Weave: ASEAN Trade Expo 2026 ay inorganisa kasama ang WomenBizPH, ang Philippine Country Local Organization ng ASEAN Women Entrepreneurs’ Network sa ilalim ng ASEAN-BAC Philippines. Para sa mga pakikipagtulungan, eksibisyon, at katanungan tungkol sa kaganapan, maaaring makipag-ugnayan sa ASEAN Trade Expo 2026 Secretariat sa [email protected] o [email protected], o tumawag sa +63 917 126 3211. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.womenbiz.ph.

