HAPPY 1ST ANNIVERSARY, HANGOVER!
Isang taon na ang spiciest at pinakachismosang music program sa balat ng mundo, ang Hangover! Bukod sa mga nakakatindig-balahibo na performances mula sa OPM artists, mas nakilala rin natin sila dahil nabigyan sila ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang tunay na mga sarili!
Matatapang na tao talaga ang umaapak sa entablado ng Hangover! Hahaha! At dahil pasabog lagi ang Hangover sa tanungan, siyempre, pasabog din dapat ang selebrasyon nito! More music, less talk ang atake nila. GANERN? Mas pinalakas at mas maingay ang selebrasyon dahil sa lineup ng paborito ninyong artists na siguradong magbibigay ng extra kilig at energy!
ANO BA ANG MANGYAYARI SA KABOGABLES NA ANNIVERSARY SPECIAL NA 'YAN?
Heto na ang kaganapan sa 1st Anniversary ng Hangover:
10:00 AM: Salubungin ang umaga kasama ang swabe at soulful na boses ni Bugoy Drilon. Siguradong damang-dama ang bawat nota!
1:45 PM: Todo hataw naman tayo kasama angg Pop Star na si Zephanie. Siguraduhin niyo ng hindi siya magpapakabog sa vocals at performance!
5:00 PM: Tatapusin naman ito ng bandang Route XYZ na hindi rin naman magpapatalo sa malulupit na tugtugan!
Mabubuo ba ang Hangover kung wala si DJ Shai?! Opkors, hindi 'yan p'wede! Makakasama rin natin siya bilang main character 'yan sa Hangover! Hahaha!
Kaya kita-kits na lang sa Thursday, 10 AM, sa Facebook page ng Hangover, mga YesPren, ah! Ang hindi pumunta, gigisahin ni DJ Shai! Charot!

