Ngayong ika-10 taon ng DigiCon, mas bongga dahil pagsasamahin nila ang higit 2,000 marketers, digital pros, at business leaders para pag-usapan kung paano nga ba mas magiging personal ang customer experience gamit ang bagong tech at AI.
May limang main tracks ang event na siguradong interesting para sa inyo, mga YesPren:
- Innovation (AI)
- Intelligence (Data Science)
- Immersive (Retail & Activations)
- Impact (Brand Building)
- Integration (Business Transformation)
advertisement
Bonus pa, YesPren: may chance din ang delegates makakuha ng program certifications kasama ang Certified Digital Marketer (CDM). Ibig sabihin, hindi lang puro ideas ang maiuuwi mo—kundi skills at credentials na magagamit mo para i-level up ang business o career mo.
Dagdag pa ni DMAP President Miko David, dahil mas connected na ang mga Pinoy at nagbabago na ang digital habits natin, kailangan ding mas maging flexible at future-ready ang marketers at entrepreneurs. At sa DigiCon, makukuha mo mismo ang insights na ‘yun.
Kaya kung ikaw ay nasa business, marketing, o curious lang kung saan papunta ang digital world—sulit talaga ang experience dito. Baka ito na ang missing piece para mas mapansin at mahalin ng customers ang brand o business mo.
Interested? Bisitahin ang digicon.com.ph o mag-email sa [email protected] para makapag-register.
