Copyright ©2026 Yes FM
50M na utang ni Mark Pascual sa ex na si Sachzna, hindi na pinababayaran
50M na utang ni Mark Pascual sa ex na si Sachzna, hindi na pinababayaran
July 7, 2026

NANLAKI ang mga mata ng netizens sa post ng content creator na si Sachzna Laparan nitong weekend! Inanunsyo kasi nito ang paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Mark Pascual, pero hindi ito ang nakakuha ng atensyon ng madla, kundi ang milyon-milyong utang daw ng kanyang jowa!

Sa nabanggit na post, inilahad ng social media influencer na may humigit kumulang na 50 million pesos na pagkakautang sa kanya ang dating kasintahan! “Yung ₱50M na utang mo sa’kin at sa pamilya ko, huwag mo nang bayaran. Tulong ko na ’yon sa’yo para magkaroon ka ng chance na makapagsimula ulit. Gusto kong bumangon ka ulit kahit wala na ako sa tabi mo,” ayon sa post.

advertisement

Nawindang naman ang mga netizens sa dambuhalang rebelasyon na ito! Giit ng isang netizen, “Alam mo ang swerte mo tol. Hindi lang si Sachzna yung pinagkatiwala sayo, pati multi-million na pera ganun ka nila kamahal. Sayang…”

Sabi pa ng isang netizen, “Hirap sa relasyon kapag may money involve. Nung naging kami ng asawa ko [kahit nasa akin ‘yung] ATM niya, di ko pa rin ginagamit. Siya nagwiwithdraw at siya nagbibigay dahil ayoko isipin [niya na] pera lang habol ko sa kanya.”

Ayon naman sa kanyang dating kasintahan na si Mark Pascual, ang main reason ng kanilang hiwalayan ay sa patuloy niyang pag-utang kay Sachzna. Ngunit hindi niya ito nirereveal na para ito sa isang crypto investment. Hindi raw umano tatakbuhan ni Mark ang kanyang mga utang at gagawin niya ang lahat para maayos ito.

Mga YesPren, willing ba kayong magpa-utang sa mga jowa niyo sa ngalan ng pagmamahal?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...