Copyright ©2026 Yes FM
6cyclemind makalipas ng 25 years, pinakanta ang Quezon City sa kanilang anniversary concert! 
6cyclemind makalipas ng 25 years, pinakanta ang Quezon City sa kanilang anniversary concert! 
September 24, 2026

Ito na nga ang ultimate throwback ng ating titos and titas of Manila! Para bang biglang bumalik sa high school days ang lahat, pati na ang mga memories na kasama mo si Crush! CHAROT!

Nag-celebrate ng kanilang 25th anniversary ang 6cyclemind last September 12 sa Eton Centris Activity Center sa Quezon City, at talagang nakikanta ang lahat!

advertisement

Sinalubong agad ng “Magsasaya” ang crowd, kasunod ang mga kantang siguradong may memories ang bawat isa, “Paba,” “Biglaan,” “Prinsesa,” “Pangako,” “Basta Ako,” at “No Rewind.” Parang biglang naging videoke night ang Quezon City!

Mas naging bongga pa ang gabi dahil may special guests na nakisabay sa kanilang celebration, sina Rye Sarmiento, Bino ng Sunkissed Lola, The Dawn’s Jet Pangan, at Gigi De Lana. May surprise guest din na si Chuck Isidro, dating member ng 6cyclemind at producer ng kanilang upcoming album.

Pero hindi lang puro throwback ang ganap! Pinasilip din ng banda ang kanilang bagong songs na “Hithit Buga,” “Di Na Babalik,” “Nagbago,” at “Huling Pagkakataon.”

At kahit umulan, walang umuwi! Tuloy ang kantahan hanggang dulo.

Pero higit sa celebration, naging "Thank You" party rin ito ng banda para sa mga taong kasama nila sa journey. Nagpasalamat ang 6cyclemind sa kanilang fans, management, brands, at lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanila sa loob ng 25 years.

Ayon sa banda, sobrang thankful sila na matapos ang lahat ng pinagdaanan nila, “natawid” nila ang 25 years at ngayon ay na-e-enjoy na nila ang fruits of their labor.

SANA ALL may fruits of labor, ’di ba?! Sinong nagsabi ng, “Hindi tayo mapapakain ng passion na ’yan!” WHO U?! Happy 25th anniversary, 6cyclemind!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...