Paglilinaw ni AJ, ang "I wish I met you earlier" na nakalagay sa video ay hindi sinabi ni Aljur, isa lamang itong parte ng trend. Nagkaroon naman ng mga positibong komento ang video. Chika ng isa, "You give him dignity, you are proud of him, and you appreciate him for who he is. Not against anyone but it looks like he found peace kay AJ.” Sa paglipas din daw ng panahon, lalong nakikita ng tao kung bakit minahal ni Aljur si AJ. Hindi naman nakaligtas si AJ sa paulit-ulit na komentong ibinabato sa kaniya. Sabi ng isang hater, "Partner mo ba 'yan, e, kabit ka naman." 'Di naman nagpapigil si AJ at sinagot ang komento, "'Di ka pa nagsasawa, 'Te[?!] 4 years mo [nang] sinasabi ['yan.]" Matatandaang ilang beses nang sinagot ni AJ ang issue na ito, pero tuloy pa rin ang haters sa pambabato nito sa kaniya.@ajravsss advertisement♬ original sound - joey

AJ Raval, sinagot ang komentong "kabit ni Aljur"
Nagbago na ang taon, pero hindi pa rin talaga nagbabago ang mga basher ng couple na sina AJ Raval at Aljur Abrenica.
Ngayon naman, puntirya ng pambebengga ang post ni AJ. Nakisabay kasi ang dating Vivamax artist sa isang trend sa TikTok na tinatawag na "I wish I met you earlier." Sa video, ipinakita ng sexy star ang kanilang 2007 throwback photos ni Aljur. Say niya sa entry, seven years old pa lang daw siya noon habang teenager na ang partner.
