advertisement
Ang ‘Destino’ ang ikalawang album ng grupo, kasunod ng kanilang 2023 release na ‘IsaPuso.’

ALAMAT, ilalabas na ang kanilang ‘Destino’ album sa November
Handa, ‘rap! Narito na ang comeback ng ALAMAT na pinakahihintay natin, mga YesPren! Matapos ang dalawang taon, ilalabas na ang panibagong album ng ALAMAT sa November 21, 2025! Ito ay pinamagatang ‘Destino,’ at una na rin itong na-tease sa kanilang live performance sa MassKara Music Festival sa Bacolod City.
Matapos ang surprise performance nila ng ‘Hero, isang unreleased song mula sa album, ibinahagi ni ALAMAT Alas ang behind-the-scenes ng paggawa nito. Samantala, pasilip ng choreography naman ang ibinahagi ni ALAMAT Jao.
