Copyright ©2026 Yes FM
ALEX EALA, NANATILING HUMBLE SA KABILA NG WTA MILESTONE: "I'm not the queen of the world!"
ALEX EALA, NANATILING HUMBLE SA KABILA NG WTA MILESTONE: "I'm not the queen of the world!"
August 4, 2026

Kung sino man ang may karapatang mag-flex ngayon, walang iba kundi si Alex Eala! Pero kahit sunod-sunod ang kanyang tagumpay sa international tennis scene, nananatiling chill at grounded ang Pinay tennis star.

Kamakailan lang ay pinabagsak ni Alex ang four-time Grand Slam champion na si Naomi Osaka sa semifinals ng Mubadala DC Open. Dahil dito, nasiguro niya ang kanyang kauna-unahang WTA 500 final at pangalawang tour-level final sa kanyang career.

advertisement

Sa interview ng Tennis Channel, aminado si Alex na malaking bagay para sa kanya ang makaharap si Osaka, isa sa mga tennis icons na dati ay pinapangarap lang niyang makalaban.

Pero mas ikinabilib ng netizens ang kanyang sagot nang tanungin kung paano siya nananatiling humble sa gitna ng kanyang lumalaking pangalan at sunod-sunod na achievements.

Ayon kay Alex, marami pa siyang gustong marating bilang atleta at bilang tao.
“For one, I still have so much motivation to become a better player, become a better person,” sabi niya. At heto ang linyang umani ng papuri online: “I’m 21 so it’s not like I’m the queen of the world or anything.”

Sa kabila ng napakalaking victory sa buhay ni Alex, nananatili siyang down-to-earth at focus sa kanyang goals! Congrats, Alex Eala!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...