advertisement
December 2024 nang muli nilang harapin ang parehas na sitwasyon. “No’ng nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check up kami kaagad sa OB and okay naman. Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga siya and the second week, okay pa yung ultrasound,” kuwento ni Mikee sa Toni Talks. Sa kasamaang palad, hindi umabot ng isang buwan ang pagbubuntis ng aktres.
Muli raw kasi itong naging “anembryonic” o “no embryo” pregnancy na kadalasang nauuwi talaga sa miscarriage. Ito rin ang naging kaso ni Alex sa dalawang nauna niyang pagbubuntis. Ngunit ayon kay Mikee, isang espesyal na regalo sa kanila ng insidenteng ito ay ang pagkakaroon nila ng pagkakataon na kahit papano’y marinig ang heartbeat ng kanilang anghel, bagay na hindi nila inabutan sa dalawang nauna sana nilang junakis.
Isang appreciation video naman ang pinost ni Alex Gonzaga para sa kaniyang asawa na chika niya’y siniguradong masaya at okay siya bago ang kaniyang operasyon para alisin ang baby sa kaniyang uterus.
@mscathygonzaga Thank you Mikee. ❤️ ♬ Second Chances - Gregory Alan Isakov
Hinahangaan naman ngayon ng ating mga YesPren ang tibay at katatagan ng mag-asawa at nagpahatid ng dasal at pakikiramay para sa dalawa.
I like how simple Mikee is and how he tries keep Alex strong. Everything will come. Give it time. When it haopens have a rest, and pray and all will be well.
— 💖PIALim🌻 (@LolaPettyRSE) January 26, 2025

