Copyright ©2026 Yes FM
Alex Gonzaga, ipinakita na ang kanyang anak! "Now there are three of us"
Alex Gonzaga, ipinakita na ang kanyang anak! "Now there are three of us"
September 3, 2026

Sa wakas! Matapos ang mga pinagdaanan at matagal na paghihintay bilang mag-asawa, may bagong miyembro na ang pamilya nina Alex Gonzaga at Mikee Morada!

Masayang ibinahagi ni actress-TV host at vlogger Alex Gonzaga sa kanyang social media ang kanilang baby reveal matapos niyang kumpirmahin na isinilang na niya ang panganay nila ng kanyang asawang si Lipa Vice Mayor Mikee Morada.

advertisement

Sa isang Instagram Reel, ipinasilip ni Alex ang ilang ganap sa kanyang journey bilang first-time mommy, kabilang ang mga larawan nila ni Mikee kasama ang kanilang bagong-silang na baby boy.

“Now there are three of us, with our very own little baby boy,” caption ni Alex sa kanyang post.

Siyempre, hindi naman nagpahuli ang mga netizen! Kanya-kanyang congrats, heart emojis, at kilig ang mga netizens online para sa bagong mommy at daddy.

Nauna nang ibinahagi ni Alex sa kanyang YouTube vlog na “My Pregnant Life” ang kanyang pregnancy journey, mula sa huling bahagi ng kanyang second trimester hanggang sa kanyang panganganak.

Hindi rin naging smooth ang buong pregnancy journey niya dahil noong huling bahagi ng Hunyo ay kinailangan niyang mag-total bed rest matapos na magbukas ang kanyang cervix.

Kahit naka-bed rest, hindi naman nawala ang preggy cravings ni Alex! Ibinahagi rin niya ang ilan sa mga pagkaing pinagbigyan niya habang buntis, kabilang ang kare-kare na ibinigay sa kanya ng kanyang kapitbahay na si Pauleen Luna-Sotto.

At ngayon, matapos ang lahat ng paghihintay at pinagdaanan, may baby boy na silang mag-asawa! All glory to God! Congratulations, Alex and Mikee! Welcome to the world, baby boy!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...