Copyright ©2026 Yes FM
Alex Gonzaga, sinagot sa live ang basher na nagkomento nang masama sa kanyang baby!
Alex Gonzaga, sinagot sa live ang basher na nagkomento nang masama sa kanyang baby!
July 9, 2026

Hindi nagpatinag si Alex Gonzaga matapos siyang makatanggap ng isang sobrang below-the-belt na komento tungkol sa kanyang pagbubuntis habang nag-la-live selling ng inendorso niyang produkto kasama ang kanyang Uncle Jojo.

Habang tuloy-tuloy ang kanilang live selling, biglang sumulpot ang isang netizen na nag-comment ng, "Paano po pag namatay baby n'yo? Kaya pa ng [brand]?" Isang tanong na agad ikinagulat at ikinainis ng maraming viewers.

advertisement

Pero imbes na mapikon o mawalan ng composure, cool lang si Alex! Diretsahan niyang sinagot ang basher at sinabing...
"The fact na nasasabi ng ibang tao 'yan, ibig sabihin they are really full of hate."

Ayon kay Alex, ang sobrang galit, negativity, at hatred ay mas nakakasira sa taong nagdadala nito. Kaya imbes na makipagbardagulan online, ginawa pa niyang opportunity ang sitwasyon para i-share ang iniendorso niyang produkto.

Inulan ng batikos ang basher at marami rin ang humanga sa pagiging kalmado ni Alex, lalo na't alam ng publiko ang mga pinagdaanan niya sa mga nakaraang pagbubuntis.

Kaya, YesPren, munting paalala lang, kung wala namang magandang sasabihin, huwag na lang magsalita. Libre lang ang manahimik!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...