Copyright ©2026 Yes FM
Andrea Brillantes, Binasag ang Bea Borres - Meray Yamada video content: “Lahat kayo kinikilig, pwes ako hindi!”
Andrea Brillantes, Binasag ang Bea Borres - Meray Yamada video content: “Lahat kayo kinikilig, pwes ako hindi!”
September 8, 2026

Mukhang hindi lahat kinilig sa muling pagsasama nina Bea Borres at Meray Yamada!

Viral ngayon ang reaksyon ni Andrea Brillantes sa video content ng kanyang BFF na si Bea kasama ang dating partner nitong si Meray, na siyang ama ng anak niyang si Hopea.

advertisement

Sa viral video, muling nag-collab ang dating magjowa at marami namang netizens ang natuwa sa kanilang chemistry. May ilan pa ngang umaasang baka magkabalikan ang dalawa.

Pero kung si Andrea ang tatanungin, hard pass sa kilig na ito!

Sa isang TikTok comment, prangkang sinabi ni Andrea, “Lahat kayo kinikilig pwes ako hindi.”

Sabi pa niya, parang sawa na rin siya sa mga ganitong content na laging lumalabas sa FYP niya. Nilinaw naman niya na wala siyang pinapatamaan, kahit ang editor o iba pang kasama sa video.

Kaya naman napaisip ang mga netizen: May pinanggagalingan ba ang reaksyon ni Andrea?

Hindi naman sinabi ni Andrea na hindi siya boto sa ginawa ni Bea, pero bilang BFF nito, baka natural lang na mag-react siya lalo na kung alam niya ang pinagdaanan ng kanyang bestie.

Aminado naman si Bea na ginawa niya ang video kasama si Meray dahil malakas ang views at engagement kapag kasama ang dating partner. Dahil hindi raw nagbibigay si Meray ng financial support para sa anak nila, naisip ni Bea na “gatasan” na lang ang reunion content para kumita.

Pero hanggang content lang daw ang pagsasama nila at nilinaw ni Bea na hindi sila nagkabalikan.

Kaya kung maraming netizens ang kinikilig, hindi si Andrea! Ganyan ka rin ba, YesPren? Yung totoong kaibigan na kayang mag-realtalk kapag paulit-ulit na ang katang*han? HAHAHA!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...