
advertisement
Sure kaming marami ang napa :0 sa sagot ni Angel. Dagdag pa niya, ito raw ay isang katotohanan na hindi siya ang in denial, kung hindi ang mga tao.
"You know, that might sound, especially with social media now, that might sound weird. I'm saying, I fall, kaya I fall in love with ano, also with, you know, girls and women," pagpapaliwanag niya.
Parang kiniliti naman ang mga fan ni Angel dahil sa katapangan niyang ito. Sabi ng isa sa X, "Ang saya lang. Hindi na nila kailangang magkubli dahil sa takot na baka mawalan ng trabaho."
Isang panalo naman daw ito para sa community at talaga namang umaapaw ang makulay na suporta para sa kaniya. Nagulat ba kami? HINDI! Kinilig ba kami? DUH! Sino bang hindi?! Masaya kami para sa'yo, YesPren Angel Aquino!angel aquino talaga!?! unti unti ng nagbabago ang panahon talaga ang saya lang🥹🏳️🌈hindi na nila kailangang magkubli dahil sa takot na baka mawalan ng trabaho pic.twitter.com/WrUvP5Mike
— Cee🦋🌿🦥🐙🐞 (@jern_nd_co) October 5, 2025

