advertisement
Naungkat ang topic na ito nang tanungin ng reporter kung ano ang proyektong pinagsisisihan niyang hindi tanggapin. Sagot niya "'Yung 'Four Sisters and a Weddeng. Bubog ko 'yun, eh!"
Bakit? Dahil daw ito kay Angel Locsin na siyang gumanap sa role na "Alex." Katatapos lang din daw kasi nilang gawin ang pelikulang 'One More Try' noong ialok sa kanila ang pelikula. Hindi raw naging maganda ang ending ng kanilang personal na relasyon matapos ang movie na ito kaya "nag-give way" na lang si Angge. "[Parang sabi ko noon], 'Maging magkaibigan na lang tayo sa labas ng trabaho, huwag na lang tayo mag-work ulit."
Pasabog pa ng aktres, hindi niya pa rin napapanood ang movie na ito sa kabila ng kasikatan na tinamo ng pelikula.
Matatandaang 2012 nang ma-issue sina Angel at Anglelica matapos maging totohanan daw ang isang confrontation scene sa 'One More Try.' 
