Handa na ba kayong ma-in love, YesPren? Muling nagbabalik ang Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto para sa isang kantang siguradong magpapakilig sa inyo! Ang kaniyang newest single na pinamagatang Being With You ay isang sincere tribute para sa pagmamahal na simple pero totoo.
Ilang araw pa lang mula nang i-release noong April 25, pero ramdam na ramdam na ng kaniyang fans ang feels ng kanta. Kwento ito ng isang taong sa wakas ay nahanap na ang "home" sa taong mahal niya, kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit tinatawag na ito ng fans na “future wedding anthem.”
View this post on Instagram
Sa isang Instagram reel, ginamit ni Angeline ang Being With You bilang background music para sa isang espesyal na family moment. Caption niya: “A moment I will never forget. Happy 1st wedding anniversary, babe! Forever grateful to be ‘being with you.’ 💍❤️” Kakatapos lang ng first wedding anniversary nila ng kaniyang partner na si Nonrev Daquina.

