advertisement
Sa mundo ng showbiz at sports, hindi na bago ang usapin ng age gap, pero dahil sa isyung ito, tila nahati ang opinyon ng fans. May mga naniniwalang "age is just a number," habang ang iba naman ay nananatiling mapanuri sa sitwasyon. Aprub ba sa inyo ang ganitong mga relasyon?
Apple David, sinagot ang backlash sa dating rumors sa kanila ng 18-year-old basketball player na si Chad Gammad: "Nag-click eh"
Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang relasyon ng courtside reporter na si Apple David at ang 18-year-old basketball player na si Chad Gammad. Sa edad na 33, hindi nakaligtas si Apple sa matinding pamumuna mula sa ilang netizens dahil sa 15-year age gap nila ng batang player. Marami ang nagtaas ng kilay at kinuwestiyon ang ugnayan ng dalawa, lalo na’t nagsisimula pa lang sa kanyang career si Chad.
Pero sa kabila ng mga negatibong komento, diretsahang sinagot ni Apple ang mga bali-balita. Ayon sa reporter, talagang "nag-click" lang silang dalawa at hindi niya inasahan na magiging ganito kalaki ang reaksyon ng publiko sa kanilang relasyon. Binigyang-diin niya na naging natural lang ang koneksyon nila kaya hindi siya masyadong nagpapaapekto sa mga kritiko.
