Copyright ©2026 Yes FM
Archie Alemania, wala na raw trabaho dahil sa kaso kay Rita Daniela
Archie Alemania, wala na raw trabaho dahil sa kaso kay Rita Daniela
August 27, 2026

Aminado ang aktor na si Archie Alemania na zero-work at talagang nakatengga ang kanyang showbiz career matapos sumabog ang isyu nila ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela.

Sa nakaraang panayam sa kanya ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, inihayag ni Archie na mula nang pumutok ang usapin ay wala na siyang natanggap na kahit anong proyekto o taping. Aniya, may pagkakataon pang kukunin sana siya ng isang direktor sa GMA Network, subalit nabigo ito matapos magpahayag ng pag-aalinlangan ang production staff dahil sa kanyang ongoing legal case.

Matatandaang hinatulan siya ng Bacoor Court no'ng October 2025 para sa kasong acts of lasciviousness na inihain ni Daniela noong 2024—isang desisyon na kasalukuyan pa rin niyang inaapela.

Habang tigil muna sa pag-arte, kasalukuyang nagtatrabaho si Archie sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa ilalim ng DICT, habang nananatiling umaasa na makakabalik pa rin sa showbiz balang araw.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...