Copyright ©2026 Yes FM
Arman Salon, napagkamalang patay na muling nabuhay
Arman Salon, napagkamalang patay na muling nabuhay
December 9, 2024

Viral na naman ang TikTok sensation na si Arman Salon matapos mapagkamalang totoo ang kaniyang ‘kabaong’ skit. Usap-usapan ito ngayon sa X nang mapaniwala niya ang mga foreigner users na totoo ang pangyayaring ito.

@scarlette_macasusi
advertisement

♬ original sound - ARMANSALON

Sa nasabing clip, makikitang nakahiga si Arman sa loob ng puting kabaong habang nakadilat ang mga mata at may malalim na tingin sa camera. Pasok rin sa video ang kaniyang mga alipores na inaayos ang kaniyang kabaong.


Dahil sanay na tayo kay Arman ay talagang ‘di niya na tayo na-prank, pero isang X user ang nag-post ng kaniyang video at nilagyan ito ng caption na ‘insane.’

Unang sumikat si Arman dahil sa kaniyang mga drama at nakakatawang skit sa TikTok, kung saan nakilala siya dahil sa kaniyang unconventional at highly expressive acting style.

Dahil sa kanyang talento, napansin na rin siya ng mainstream entertainment industry, na nagbigay-daan sa mga kolaborasyon kasama ang mga kilalang Filipino stars tulad nina Barbie Forteza, Romnick Sarmenta, at Nadine Lustre. ‘Di rin niya pinalagpas ang pagkakataon na mag-audition sa Cinemalaya noong November 9.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...