advertisement
Noong February daw, benign o hindi cancerous ang diagnosis sa kaniya. Pero, matapos ang kaniyang GenSan show kamakailan lang, sumailalim siya sa mga test. Dito, nadiskubreng stage 4 at wala nang lunas ang kaniyang karamdaman.
"Ang sabi, hindi na raw ako aabutin ng 2026. Hindi na raw ako puwedeng operahan. Kailangan ko po ng dasal," sabi ni Ate Gay. Hindi rin daw pumayag ang kaniyang pamilya na ipa-chemo o radiation siya dahil unti-unti raw nitong pahihinain ang kaniyang katawan.
Para makatulong, nagkaroon ng fundraising event ang 'The Clowns' sa pangunguna ng owner nito na si Allan K. Sinurpresa pa ni Ate Gay ang lahat ng nanood dahil kahit may iniinda, kumanta pa rin siya sa nasabing show.
Isa lang daw ang palaging dasal ng komedyante, "Sana mabuhay ako nang matagal, kasi gusto ko pa magpasaya."
Ate Gay, nakikipaglaban sa sakit na stage 4 cancer
Kung pipikit kayo at pakikinggan ang mga salitang, "Walang himala. Ang himala ay nasa puso ng tao," hindi ba't dalawang tao ang maiisip niyo? Maliban kasi kay Nora Aunor, siguradong maaalala niyo rin ang kaniyang pinakasikat na impersonator, si Ate Gay. Ngunit, tila nangangailangan ng himala ang standup comedian. Nakikipaglaban kasi siya sa sakit na stage 4 Parotid cancer.
"Para akong robot na lang." Ito ang nasabi ng 'Queen of Mashup' sa interview sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Dito, chinika ng komedyante ang kaniyang kalagayan at makikita na rin ang laki ng bukol na tumubo sa kaniyang leeg.
