Napanood niyo na ba ang Episode 3 ng The Microseries ng Yes FM Manila? Hahagalpak na naman kayo kakatawa! Sa episode na ito na "NAGHUBAD NG PANTY SA SOBRANG KALASINGAN?!," nagkaroon ng inuman session ang magkakaibigan na sina Mika, Sharlene, at ang karakter ni Lyka Barista, si Erin. At sabihin na nating lumabas talaga ang totoong mga self nila! Hahaha!
Dahil sa mapanghamong laro nilang "Truth and Dare," napilitan si Erin na umamin tungkol sa kaniyang tinatagong crush na si Dexter. Hindi lang ‘yan kasi binanatan pa niya ang dare kung paano niya raw aakitin si Dexter! Sinend ng mga kaibigan niya ang video kay Dexter bago pa ito ma-unsend.
Kinaumagahan, bukod sa grabeng hangover, may nahanap ang kasambahay niya sa apartment niya na ikinagulat nilang pareho! At ito na nga... panoorin mo kung gusto mo malaman, 'no?! Chismis gusto, nood ayaw?! Chariz! Pero sa true panoorin mo na kasi pang-Best Actress si Lyka Barista rito!
PANOORIN MO NA 'YAN DITO:

