Copyright ©2026 Yes FM
Baby Doll Juby, bina-bash matapos ikuwento ang malaswang panaginip tungkol kay Donny! Vice Ganda, nadamay!
Baby Doll Juby, bina-bash matapos ikuwento ang malaswang panaginip tungkol kay Donny! Vice Ganda, nadamay!
October 20, 2026

Baby Doll Juby, bina-bash ng netizens matapos ibuking na napanaginipan niya raw si Donny Pangilinan na may "ginagawa" sila! GRABE NAMAN ANG DREAMS!

Usap-usapan ngayon ang pasabog ni Baby Dolls member Juby Sabino sa episode ng “GGV” noong October 18. Nang tanungin ni Vice Ganda kung para kanino ang “giling-giling” nila sa kantang “Oohh Lala Baby,” na-name-drop agad si Donny! Ang rason? Napanaginipan daw niya ang aktor at kineme raw siya sa panaginip! ANG SPECIFIC NAMAN NG PANAGINIP MO, JUBY!

advertisement

At hindi pa diyan nagtatapos! Nang tanungin siya ni Vice kung “natapos” ang panaginip, sagot ni Juby, “Opo.” AY, DIRETSAHAN ANG SAGOT NI ATECCO! Nagtawanan ang audience, pero mukhang hindi lahat ay naka-relate sa biruan dahil may mga netizens na na-off sa naging usapan.

Maraming netizens ang napa-teka lang, JUBY! Para sa kanila, hindi porke panaginip lang ay puwede nang gawing katatawanan ang pag-se-sexualize sa isang tao. Lalaki man si Donny, respeto pa rin daw dapat!

AYUN, NADAMAY DIN SI VICE!

Pati si Vice Ganda, nasali na rin sa bashing! Kinuwestiyon ng ilang netizens kung bakit hinayaan at sinabayan niya raw ang usapan imbes na sitahin ito.

Ano ang say n’yo dito, YesPren? Biruan lang ba talaga ito o may point din ang netizens na hindi nagustuhan ang sinabi ni Baby Doll Juby?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...