Copyright ©2026 Yes FM
Bagong show na ‘Hangover,’ ilulunsad na ngayong March
Bagong show na ‘Hangover,’ ilulunsad na ngayong March
Bagong show na ‘Hangover,’ ilulunsad na ngayong March
March 6, 2025

Na-curious ka na ba kung ano’ng klaseng trip meron ang mga iniidolo mong artista sa likod ng kanilang mga kanta? Kung paano sila mag-isip, magbiro, o kung may mga sikreto silang hindi pa nabubunyag? Well, ngayong tag-init, hindi lang init ng araw ang mararamdaman mo—paiinitin din ng HANGOVER ang social media at radyo!

Ito ang new version ng Catch 22 Pilipinas, na siguradong mas totoo, pero mas masaya! Hosted by DJ Shai ng 96.3 Easy Rock, ang HANGOVER ang pinakabagong tambayan ng up-and-coming, established, local, at foreign musicians. ’Yun bang mala-late-night inuman session vibes kung saan walang script, walang filter, at walang takas sa mga maaanghang na tanong? Exciting, ’di ba?



S’yempre, hindi puwedeng mawala ang tugtugan na siyang magsisimula at tatapos ng show. Mapapanood ito nang LIVE tuwing Huwebes, 4 P.M., sa Facebook page ng Hangover at i-she-share sa Love Radio Manila, Yes! FM Manila, at Easy Rock Manila. Kung bitin ka pa riyan, puwede mong sundan ang kanilang 10-minute radio interview sa mga istasyong ito!

Gusto mo bang maki-HANGOVER? Mag-email na sa [email protected] o mag-Viber sa 0917 551 6488.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...