advertisement
"It wasn't as painful as some people painted it to be," ‘yan ang nakaka-nosebleed na paandar ni Barbie nang tanungin kung paano ang naging proseso ng kaniyang pag-mo-move on kay Jak. “Masaya at smooth” daw ang nangyaring ‘yon sa kanila. Pinatunayan lamang daw nito kung ga’no ka-healthy at kasaya ang kanilang naging pagsasama sa loob ng pitong taon. Natutuhan din daw niya na bigyan ng oras ang sarili kahit na nasa isang relasyon ka pa. Over naman sa pagpaparinig sa’min, Barbie! Charot!
Bilang isang single lady, hindi maiiwasang ma-ship ang aktres sa iba’t ibang leading men sa industriya. Nariyan na ang half sa tambalang BarDa na si David Licauco. Chika ni Barbie, kahit na may ship na nangyayari, single na single pa rin daw siya.
Mapapansin din na bukod kay David, ilang ulit na ring nakikitang magkasama sina Barbie at Jameson Blake. Hindi man ito naitanong sa interview, nilinaw naman ni James na hindi raw sila magjowa. ‘Yong picture daw na nakita silang magkahawak-kamay ay inaalalayan niya lang si Barbie nang dumugin ito ng fans.
“Open for applicants” naman daw ang puso ng dalaga ngayon at ilan sa qualities na hinahanap niya ay “financially stable” at “prince charming-looking.” Do’n pa lang, parang marami nang tumagilid? EME! Hahaha!
Sa ngayon, in-e-enjoy daw niya ang oras para kilalanin pang mabuti ang kaniyang sarili. Ekis na raw ang talking stage sa kaniya at mas bet niya ang diretsahan na pagdating sa susunod na magiging jowa.

