advertisement
Makikita sa TikTok video ang malaking ngiti ni Bea habang kasama ang staff na naghanda para sa kaniyang 37th birthday. Present din ang rumored jowa niyang si Vincent Co. Sabi ng mga Marites sa comment section, over sa alalay raw ang CEO sa aktres na para bang may dinadala ito. Baka naman gentleman lang? Eme na naman kayo, eh! Charot!
Chika naman ng ibang netizens, magaling lang daw mag-alaga ang jowa ni Bea kaya obvious ang freshness at glow up nito.
Wala pang say ang dalawa tungkol sa chismis na ito. Totoo man o hindi, ang tanging halata lang ngayon ay masaya ang aktres sa piling ng kaniyang matangkad at maperang jowa! SANA ALL! HAHAHA!
