Copyright ©2026 Yes FM
Bea Alonzo, usap-usapan muli kung ikakasal na ba talaga?!
Bea Alonzo, usap-usapan muli kung ikakasal na ba talaga?!
Bea Alonzo, usap-usapan muli kung ikakasal na ba talaga?!
May 12, 2026

PULUTAN NIYO NA NAMAN SI MARENG BEA, HA!

Napakaraming usapan kung may kasal ba talaga o wala? Pinagpiyestahan na nga muli si Bea Alonzo ng mga chismoso't chismosa tungkol sa kanyang kasal na si Bea mismo ay hindi pa kinukumpirma.

advertisement

Maraming nagsasabi na mukhang wala raw magaganap na kasalan dahil may problema na naman daw sa prenuptial agreements at may nagbibigay ng blind items na baka naman team ni Bea ang humahadlang dahil isa raw siyang "Cash cow" para sa management!

Sa kalagitnaan ng kaguluhang ito, nag-post naman ang malalapit na kaibigan at pamilya ni Bea na sila ay nasa bansang Spain. Dito raw, 'di umano, magaganap ang kasalang Bea at Vincent Co. Ramdam ng iba na baka nga matutuloy na ang long-awaited wedding niya, pero may mga nagsasabi rin na wala naman daw choice ang mga ferzon dahil na-book na ang mga ticket!

Ang masasabi lang namin ay... TIGIL NIYO NA 'YARN! Hintayin na lang natin sabihin ni Bea sa madla ang gusto niyang sabihin. Ganern! Pahingi na lang kaming handa 'pag natuloy. Hehehe!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...