Copyright ©2026 Yes FM
Bea Borres, inamin na ang kaniyang pagbubuntis
Bea Borres, inamin na ang kaniyang pagbubuntis
August 13, 2025

Tantanan niyo na raw ang pagdidiskusyon kung juntis ba o hindi si Bea Borres! Siya na kasi mismo ang nagbunyag ng kaniyang pagdadalang-tao.

Sa pamamagitan ng isang vlog na in-upload ng social media influencer, ibinahagi niya kung paano niya nadiskubre ang magandang regalo na ito sa kaniya. Kasama sina Toni Fowler at Alex Gonzaga, pati ang kanilang partner at asawa, gumamit ng pregnancy test kit si Bea. Malabo man daw ang linya noong una, sure naman sina Alex at Toni na buntis ang kaibigan.

advertisement

Sabi ni Alex, “Congrats! Blessing ni Lord ‘yan! Hindi ‘yan basta-basta.” Payo naman ni Toni, “Hindi lang ito basta ‘yung parang ma-i-stress ka. Peace of mind din na ‘wag ka nang iinom, wala ka nang i-i-inject, wala ka nang ipapahid, wala na ring [raw food].”

Matapos ito, tumawag na si Bea sa kaniyang malapit na kaibigan at showbiz personality na si Andrea Brillantes. "'Wag kang matakot. I'm here for you," sabi ni Andrea.

Sa last part ng video, humingi ng sorry si Bea sa kaniyang pamilya at kay Andrea dahil sosolohin daw muna niya ang gender reveal. “I’m just so proud of myself because kaya ko, kinakaya ko,” chika ni Bea.

Hindi pa sinabi ni Bea ang gender ng kaniyang "Pea." Hindi rin siya nagsalita pa kung sino ang ama ng bata.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...