Kahit 3rd runner-up ang nasungkit na title, ikaw pa rin ang Miss Universe namin, Bea! Kami na ang nagdesisyon! EME!
Paano ba naman? Face check, body check, pasarela check, AT ANG PANGMALAKASANG SAGOT SA Q&A? CHECK NA CHECK!
Pasok sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Bea Millan-Windorski sa 75th edition ng Miss Universe 2026 na ginanap sa Puerto Rico. Pero ang korona ay napunta kay Jennifer Barreto ng Puerto Rico, habang first runner-up naman ang Dominican Republic, second runner-up ang Venezuela, at fourth runner-up ang New Zealand.
Pero kung may TOTGA kami sa Miss Universe, si Bea na 'yon! Para sa aming mga Pinoy, hindi basta-basta ang ipinakitang laban ni Bea! Mula sa swimsuit competition hanggang sa evening gown round, talagang pinakita niyang pang-international ang beauty at confidence ang atake niya!
At siyempre, hindi rin nagpatalo sa Q&A! Nang tanungin kung ano ang pinakakailangan ng mundo mula sa mga lider ngayon, ibinahagi ni Bea ang tungkol sa kanyang 10 years of volunteering with sea turtles. Oh, 'DI BA?! Hindi lang beauty and brains, kun’di environmentalist din siya! IKAW NA TALAGA, BEA!
Pinaalala niya ang tinatawag na "turtle mentality," kung saan nagtutulungan ang mga Pawikan para makalabas sa pugad ang kanilang mga kapatid. Ang powerful ng message niya na kapag may umaangat, dapat sama-sama tayong umaangat! HINDI 'YUNG KAYO-KAYO LANG KAPAG PERA, TAPOS KAPAG BAYARAN, KASAMA KAMI?! CHAR!
Kung tutuusin, ang galing ng sagot niya! Kaya naman hindi nakapagtatakang marami ang humanga sa kanyang performance at binigay na laban!
Bea, hindi man natin nakuha ang korona this time, pero sa puso namin, ikaw ang Miss Universe! Kung boto lang ng mga Pinoy ang labanan, aba, hindi magpapatalo ang keyboard warriors ng Pinas! HAHAHA
Gayunpaman, congratulations sa lahat ng mga nanalo!

