Copyright ©2026 Yes FM
Ben&Ben and Maki nag-adjust kay Sharmaine, pinalitan ang title at lyrics ng kanilang mga kanta!
Ben&Ben and Maki nag-adjust kay Sharmaine, pinalitan ang title at lyrics ng kanilang mga kanta!
June 4, 2026

Napanotaryo na ba ’yan siya?!

Viral online ang name na Sharmaine, matapos ang comedy skit ng content creator na si BAETT kung saan binibigyang “buhay” at pangalan niya ang mga bagay-bagay, kasama na ang isang orange na kinuwestyon pa ang sariling pangalan at sinabing “Sharmaine” ang gusto niya.

advertisement

Dahil dito, nag-trending ang kwelang “Sharmaine universe” na naging solid meme material online. Umabot pa sa point na pati ilang artists ay nakisabay sa trend.

Ang Ben&Ben, ayon sa viral posts, tila binago ang lyrics ng “Saranggola” at pinalitan ang linya ng:
“Saranggola’y lilipad sa ‘Sharmaine ng kalangitan’” na ikinatuwa ng netizens na todo ride sa meme energy. May nag-kumento pa na “Yung ang seryoso kong sinasabayan yung kanta tapos si sharmaine kasama na sa lyrics Hahah😭”

@benandbenmusic

we dedicate this post to sharmaine. salamat sa vitamin c at refreshing feeling na binibigay mo samin 🤣🤣

♬ Saranggola - Ben&Ben

Samantala, si Maki ay nag-trending din matapos magreply sa isang post sa Twitter tungkol sa paglinaw ng title ng kanilang kanta mula “Kahel na Langit” to “Sharmaine na Langit,” na lalo pang nagpaingay sa usapan online.

Mukhang level up na talaga ang orange, ah! Mula sa pagiging prutas hanggang sa naging full internet sensation na!

Ikaw, YesPren? Payag ka bang gawing "Sharmaine" ang pangalan ng orange? Kung oo, ikaw maglakad ng notaryo niyan, ah! Chariz! Hahaha!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...