Copyright ©2026 Yes FM
Ben&Ben, bibida sa ‘Pagdiriwang ng Pag-asa: The Alay Kapwa 50th Anniversary Benefit Concert’
Ben&Ben, bibida sa ‘Pagdiriwang ng Pag-asa: The Alay Kapwa 50th Anniversary Benefit Concert’
July 3, 2025

Palong-palo na ang mga kanta, handa pang magbigay ng malaking pag-asa! 'Yan ang bagong misyon ng Ben&Ben bilang bagong ambassadors ng Alay Kapwa, isang Lenten program ng Caritas Philippines, na nagdiriwang ng kanilang 50th anniversary.

advertisement

Sina Paolo at Miguel Benjamin ay ipinakilala bilang mga bagong mukha ng programa sa nakalipas na special event noong June 4 sa University of Santo Tomas.

“Ben&Ben’s songs talk about love, hope, and community—the same values we believe in,” sabi ni Bishop Jose Colin Bagaforo, President ng Caritas Philippines. “They will help us reach more people, especially the youth, and encourage them to support our mission.”

Personal para sa kambal ang organisasyong ito dahil bagets pa lang sila, volunteer na ng Caritas ang kanilang ina.

Sa parehong event, kinanta rin ng banda ang kanilang bagong single na 'Sa Kapwa ko Ay Alay' na isinulat ni Robert Labayen at binuo ni Jonathan Manalo.

Bilang parte ng kanilang role, pangungunahan ng Ben&Ben ang isang fundraising concert sa July 8 sa Araneta Coliseum. O, ‘di ba? Hit na hit ang goal na magpasaya at makatulong!

Sa tulong ng banda, umaasa ang Caritas Philippines na ma-inspire pa ang mga Pinoy na tumulong sa iba.

Kantahan na may kasamang tulungan ang atake natin dito, mga Yespren!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...