Copyright ©2026 Yes FM
Bianca de Vera at Will Ashley, inaasahan ng fans na magkaro’n ng duet sa ‘Will Ashley Live’ concert
Bianca de Vera at Will Ashley, inaasahan ng fans na magkaro’n ng duet sa ‘Will Ashley Live’ concert
October 11, 2025

Handa na ba kayong kiligin muli, mga YesPren? Kumpirmadong kasama si Bianca de Vera sa ‘Will Ashley Live,’ ang first-ever solo concert ni Will Ashley!

Nag-trending ang “WILLCAkanta TOGETHER SA NFT” dahil maraming fans ang umaasa sa duet ng dalawa. Napa-throwback pa nga ang isang fan sa dating interview ni Will kung saan nabanggit niya na gusto niya makasama sa performance si Bianca: “Gusto ko kasing magkasama kami sa stage. Gusto ko po na mai-share sa kaniya yung stage.”

advertisement

Bukod pa rito, may isa pang pasabog na inaasahan ang fans nila! Kabilang sa lineup ng concert si Eliza Maturan, ang singer ng kantang ‘Ikaw, Ikaw, Ikaw.’ Dahil ang kanta ay theme song daw ng “WillCa,” may chika ang kanilang fans na baka raw magkakaroon din ng special number ang tatlo.

Gaganapin ang ‘Will Ashley Live’ concert sa October 18, 2025, sa New Frontier Theater, Quezon City. ‘Takits tayo doon, mga YesPren!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...